Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SA TIGRENG KUTING, HIRAP ANG MAMAMAYAN

$
0
0

GAANO man ang pagpapapogi ni Pangulong Noynoy sa Pilipinas sa State of the Nation Address nito, nanatili itong kuting na tigre.

Anak ng kuting, mismong ang World Economic Forum ang nagsasabing isa itong kuting at hindi isang buong tigre.

Hindi “wow” ang Pinas at lalong hindi “wow na wow” sa ekonomiya, ayon sa nais na ipiktyur ni PNoy sa atin.

Ang mga tunay na tigre sa Asya ay ang mga bansang South Korea, Singapore, Hong Kong at Taiwan.

Kahanay lang natin ang Thailand, Malaysia at Indonesia na pawang mga kuting pa lang, sa sukatan ng WEF.

Mayroon ba talaga tayong ipagmamalaki gaya ng nais na palabasin sa SONA?

TUWID NA DAAN

Meron naman talaga tayong pupwedeng ipagmalaki… ang Tuwid na Daan kung tawagin ni PNoy at ng kanyang mga kapwa kuting. Hehehe!

Sabi nga ni PNoy, hangang-hanga raw ang mga dayuhan sa kanyang mga ginagawa.

Gusto raw tularan ng ibang mga lider ng ibang bansa ang ginagawa niya bilang Boss.

Nagkakandarapa pa nga raw silang anyayahan siya na magsalita sa kani-kanilang mga bansa.

Hindi kaya kinokonsuelo de bobo lang si PNoy ng mga dayuhan ito? Aba, kawawa naman ang ating Pangulo.

Hindi tayo papayag diyan.

Pero wala na kasing ibang ginawa itong si Pangulo kundi manisi at paborito niyang pagsasabunutan sa ibang bansa ang gulay nang si Aling Gloria.

Pero hindi pa hapi si PNoy sa pagpapakulong kay Aling Gloria, gusto niya itong madeklara ng korte na guilty para hindi na siya ubuhin pa sa paninira at paninisi rito. Ubo-ubo-ubo!

PALPAK

Sa kabila ng pagbubuhat ng bangko ni PNoy na hindi naman daw niya ginagawa, hmmmm, marami ang hindi naniniwala sa kanya.

Hindi lang ang mga kalaban niya sa pulitika ang hindi bilib sa kanya, bagama’t bilib ang mga ito sa kanyang Tuwid na Daan na ang tunay na mukha umano ay selective justice.

Eksampol, ang Movement for Good Governance na nagbigay ng gradong 5.9 kay PNoy makaraan itong mag-SONA.

Bibigyan daw sana umano si PNoy ng pasadong grado pero hindi pwede dahil tinimbang siya ngunit kulang.

Sabi ng mga taga-MGG, oks naman si PNoy sa Tuwid na Daan at edukasyon dahil nagkakaroon na ng Kinder ang mga bata.

Gumagana rin umano ang Philhealth.

Pero hindi sapat ang mga ito sa bigat ng kalagayan ng mga mamamayan na panay kahirapan ang inaabot kahit pa sa limang taong panunungkulan ni PNoy.

MAGSASAKANG NAGUGUTOM

Dito umano sa mga mamamayang nabubuhay sa sakahan o agrikultura nagiging palpak si PNoy.

Sabi ng mga taga-MGG, nagkonsentreyt si PNoy sa produksyon sa bigas ngunit nakalimutan nito ang ibang usapin sa agrikultura.

Napabayaan niya umano ang mga mangingisda, ang mga magpuprutas at maggugulay.

Dito pa naman umano matatagpuan ang mga talagang mahihirap.

Ito’y sa kabila ng katotohanang dito nanggagaling ang pampalaman ng tiyan ng lahat ng mamamayan.

Hindi nga magandang tingnan na kung sino pa ang mga nagpapakain sa bayan, sila pa ang sinasalakay ng hirap at kagutuman.

12M MAGSASAKA

Sinilip natin ang rekord ng Philippine Statistics Authority, aba, napakalaki ang bilang ng mga nabubuhay sa lupa na obrero at magtatanim.

Sa kabuuang 38-milyong nasa sakahan sa mahal kong Pinas, umaabot sa 12M ang mga nabubuhay sa lupa.

Pinakamarami sa 12M ang mga magpapalay, pangalawa ang mga magmamais at halos aabot naman sa 5M ang mga mangingisda.

‘Yung ibang magbubukid ay nasa mga niyugan, maisan, sagingan, gulayan at nangangahoy sa mga burol at bundok.

Siyempre pa, kasali ang mga magbababoy at magmamanok.

Singit lang sa alam na alam natin: alam ba ninyo na kahit sa mga malalaking babuyan at manukan, sahod-kasambahay lang ang tinatanggap ng mga obrero?

P100 lang sa isang araw at kasama sila sa mga biktima ng kapabayaan umano ni PNoy.

TABINGING KATARUNGAN

Kung tayo nga ang tatanungin, mas malapit sa katotohanan ang mga pinagsasabi ng WEF at MGG ukol sa kalagayan ng bansa at ng mga mamamayan.

Yumayaman ang bansa pero para sa iilang tao lang.

At kung may nakikinabang mang mga mamamayan, katulad lamang ng kakaunting bilang ng mga edukado o nakatapos ng kolehiyo gaya ng mga nasa call center.

Ang tabinging kalagayan ng bayan na kakaunti ang mayaman at halos lahat ay mahihirap ang siyang dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan at ni PNoy.

Walang saysay ang Tuwid na Daan na nagpapakulong ng iilang korap kung wala itong magawa sa naghihirap at nagugutom na bayan.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>