Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PNP HOTLINE PALPAK, SCHOLARSHIP AT DROGA

$
0
0

BIGYAN naman po natin ng espasyo ang ating mga tagasubaybay para mailahad nila ang kanilang saloobin, reklamo, balita at iba pa.

Heto po sila.

PNP HOTLINE

Good day po, sir. Bakit kaya na kapag ang mga high ranking police officer ang inire-report at inirereklamo ukol kanilang mga anomalyang kinasasangkutan sa PNP Hotline na Isumbong mo kay Tsip/Mamang pulis sa 0917-847-57-57 ay hindi sila tumutugon o nagre-react? Nangangahulugan kaya na peke ang hinayupak na ahensiyang ito? Thanks! Concerned Citizen ng Bulacan. 0932300….

SSS PENSION

Good am po, Sir Benny. Isa po akong masugid na mambabasa sa inyong kolum sa diaryong Remate. Kailan kaya ma-implement ang House Bill 5842 para sa dagdag-pensyon sa Social Security System? 63 yrs old na po ako, dapat ma-implement na ‘yan para makatulong sa aming senior citizens. Thanks po, more power to you, sir. (Panukala pa lang at hindi pa po batas ito.) 0929658….

SI JULIA BARRETTO

To Ms. Julia Barreto. Ang paggamit mo sa pangalang Barreto na family name ay itinakwil mo ang iyong ama. Siya ang nagbigay ng matinong buhay sa iyo.

For your information ay mas sikat at matinong pamilya ang Santiago kaysa Barreto. Sa totoo lang, nang itakwil mo ang apelyidong Santiago ay bumaba ang tingin namin sa iyo. Lahat ng appearance mo sa TV nagkakabyo kami sa ibang istasyon. Ayaw ka naming makita at panoorin. Swapang ka pala, Ms. Julia Barreto. Lerma Natividad, ng Quezon City. 0930154….

PALPAK NA SCHOLARSHIP

Attention, Q. C. local government and the barangays. Please stick to your program for the poor living in Quezon City regarding scholarship education.
As a father of qualified student for scholarship grant, it is very painful to me. My son can’t take examination from his school because his tuition was not paid by the barangay government per the school policy: no pay no exam. As a reminder, good people in the community is mirror of good governance of the barangay itself. Ngayon, ang scholarship palpak.

Pagdating sa tuition walang pambayad. Mag-aantay ka ng siyam-siyam. Pina-back-out ko na ang anak ko. Alam kaya ni Mayor Bistek ito? 0926594….

MANIOBRA SA PULITIKA

Tumpak, Sir Ben, ang lahat ng komento mo. Isa pa, inilagay nila si Ombudsman Morales upang usigin ang kalaban nila sa politika. Kaya nagkukumahog si PNoy na manalo ang ang manok niya para ‘di siya makulong after ng kanyang termino. Ang lahat ng upuan sa lahat ng ahensya ay kunin nila para hindi sila ihabla dahil kakampi nila. Mga wala sang kwenta. Mas masahol pa sila sa naunang pamamahala. Kagawad Tiansay, ng Bicol. 0999968….

BADYET NG AFP NINANAKAW

Maganda araw po, Ka Benny Antiporda, may gusto lang akong iparating sa atin mga mambabatas tungkol sa budget ng AFP sa 2016. Sana gumawa ng batas na pag-budget ng 3 major command, hatiin nang patas. ‘Pag budget ng army, ibigay parar sila ang magbigay sa kailangan ng army. Kawawa po ang army enlisted man na laging gamit sa giyera pero kulang-kulang mga mga makabagong armas at bala. At iba pang isyu ang bawas budget na dapat iwasan dahil idinadagdag lang ito sa bulsa ng mga namumuno sa AFP. Salamat po.

Retired Msgt, ng 2ndDiv, PA. 09391954252

PROBLEMA NG OBRERO

Good afternoon po. Pakikalampag naman po ang administrasyong Aquino.

Enumerator po ang mama ko at per piece na nga lang po nakasalalay ang sahod nila pero kulang-kulang pa po silang magpasahod. Then weekly po ang sahuran nila pero lagi na lang pong delayed. Kawawa naman din po ‘yung ibang kasamahan ni mama na ‘yun lang ang inaasahan. Gusto ng department na may hawak sa kanila na makatulong pero ‘yung mga empleyado nila ni hindi nila matulungan. Salamat po. 0907109….

MAY BAYAD SA BIOMETRICS

Attention, COMELEC Chairman Andres BAutista, please explain to the people why your personnel charge P75 for the biometric ID of new voters. Are they making money? Baka may hokus-pokus dito. Nakahihiya kayo. 0926594….

MURANG PALAY

Good pm, sir. Avid reder po ko ng ULTIMATUM n’yo. Pakikalampag ang dakilang comprador dito sa 4th distrct ng CAMARINES SUR. Bumibili sila palay, P13 per kilo kaya napakamura. 0929127….

TOTOONG KAHIRAPAN

Measurement of economic growth & stability? Kapag kakaunti na lang ang nagpupunta sa Jollibee,  Mcdo, Inasal at hindi na tayo ang “Texting Capital” of the world, tutuo na nasa poverty level na tayo! 0908878….

DROGA SA TAGUIG

Sir, pakitawagan n’yo ang Taguig PNP sa numerong 6423582. Ang dami pong  scorer ng shabu sa No. 13 Kalayaan St. Ususan. Maawa po kayo, please help us para ma-raid ito. God bless po.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>