Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GDP LANG ANG GUMANDA

$
0
0

MAUNLAD na ekonomiya ang pangunahing ipinagyabang ni Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).

Ang batayan ni Aquino ay ang 6.3% “average growth” ng gross domestic product (GDP) mula 2010 hanggang 2014.

Sabi pa ni Aquino na kung lalampas ito sa 6.3% ngayong 2015, lalabas na ito na ang pinakamataas na GDP average growth nitong nakalipas na 40 taon.

Sino ang niloloko ng pangulong ito? Ito ang katotohanan.

Ang totoo, hindi ko maintindihan kung bakit naging batayan ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa ang GDP o GNP (gross national product), samantalang ang kahulugan ng GDP ay ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong nagawa sa isang taon sa loob ng bansa.

Kung isasama naman ang mga nagawang produkto at serbisyo sa labas ng bansa ay GNP ang batayan.

Sa nabanggit na kahulugan ng GDP, paano naging maunlad ang ekonomiya kung ito ay pumapatungkol sa “kabuuang halaga ng mga nagawang produkto at serbisyo sa isang taon sa loob ng bansa?”

Hindi pinag-uusapan dito ang kinita o ikinalugi (ibig-sabihin ‘di nabiling mga produkto o serbisyo) ng isang tao o kumpanya.

Alam na alam ito ni Aquino dahil siya mismo ay nagtapos ng Economics sa Ateneo de Manila University (AdMU).

Kaya, hindi dapat batayan ang GDP o GNP sa pag-unlad o pag-angat ng ekonomiya, sapagkat hindi naman ekonomiya ang GDP o GNP. Ganoon din, hindi GDP o GNP ang ekonomiya.

Ang tama ay bahagi ng ekonomiya ang GDP o GNP.

Ang kahulugan ng ekonomiya ay ang paggamit o maksimisasyon ng limitadong mapagkukunang yaman o yaman ng isang bansa upang maging produkto (damit, pagkain, bahay) at serbisyo (edukasyon, kalusugan, pabahay) na maipamamahagi sa mamamayan upang mapakinabangan nito ang sinasabing mga produkto at serbisyo.

Kung gayon, dapat ang mga produkto at serbisyo mismo na mga nagawa (at hindi ang kanilang kabuuang halaga lamang) ng milyon-milyong manggagawa ay naipamahagi sa lahat ng mamamayan upang mapakinabangan nila ang mga produkto at serbisyo.

Pero, dahil hindi libre ang mga produkto at serbisyo sa kapitalistang lipunan tulad ng Pilipinas (konteksto), ang tanong ngayon ay ilan ang mga Pilipinong nakabili ng ganito o ganyang produkto o nakaranas ng ganito o ganyang serbisyo?

***
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>