Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KINAKABAHAN PA RIN SI MAR KAY GRACE

$
0
0

HINOG na hinog na raw kaya si Interior Secretary Mar Roxas ang inendorso ni Pangulong Aquino para maging manok ng Liberal Party.

Naniniwala si PNoy na si Mar raw ang makapagpapatuloy ng kanyang tinatahak na “Daang Matuwid.” Sa totoo lang, walang choice si PNoy kundi si Mar.

Lalabas nga naman kasi siyang walang utang na loob kung iba pa ang mamanukin matapos magparaya sa kanya noong 2010 ang mister ni Korina Sanchez.

Mantakin n’yo naman, kahit walang alam sa pagpapatakbo sa gobyerno kaya hanggang ngayon ay “nganga” ang Pinas, si PNoy ang dinala ng LP at bumaba si Roxas. Aba’y sobrang hinog na nga talaga si Mar.

Ang problema, hindi naniniwala at walang kabilib-bilib si PNoy na magwawagi si Mar sa darating na eleksyon.

Sinabi ni PNoy na kailangan pang ipakilala nang husto si Mar para matiyak ang pagkapanalo.

Malaki ang problema ni PNoy kay Mar kahit sila ang may hawak ng “makinarya” at may pinakamalaking pondo sa kampanya.

Hindi kasi inaakala ng Malakanyang na biglang eeksena si Sen. Grace Poe.

Hanggang ngayon, napakahina ni Roxas sa survey. Sa lahat ng survey, pangatlo o pang-apat lang siya kina Grace Poe at Vice President Jejomar Binay. May survey pa nga na mas mataas pa kay Mar si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Halos lahat ng panggigiba ay ginagawa na kay Binay pero mataas pa rin ito sa mga sarbey kumpara kay Roxas. Pero sarbey lang ‘yan. Matagal pa ang eleksyon at maaari pa itong magbago. Nagawa na nilang pakasuhan si Binay.

At posible pang maipakulong bago mag-eleksyon kapag naglabas ng desisyon ang Sandiganbayan sa kaso nitong plunder.

Ang kaso’y nasa eksena pa si Grace. Ilang beses niligawan ni PNoy pero binasted lang.

Tuloy pa rin sila sa panliligaw. Abot hanggang langit na rin ang dasal na sana’y pumayag at magsakripisyo na lang para maging Bise-Presidente ni Mar.

Ngunit may sariling palo ang senadora. May sariling pag-iisip at katigasan ng pasya. Mukhang hindi bibigay si Grace at siya ang magiging tinik ni Mar.
Abangan na lang natin ang magiging bakbakan. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>