Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

FOI IPASA NA AT SINUNGALING SA KRIMEN

$
0
0

NANG magbitiw sa puwesto si Sec. Mar Roxas kahapon bilang boss ng Department of the Interior and Local Government, sinalubong at pinabaunan siya ng masamang balita ukol sa krimen.

Lumundag ang bilang ng krimen sa iba’t ibang bahagi ng bansa bukod lang sa Metro Manila habang nakaupo pa siya at siya pa ang boss ng Philippine National Police.

Kaya naman, ang una niyang hinarap makaraan siyang maghayag ng kanyang pamamaalam sa mga pulis sa Camp Crame sa flag ceremony, ay magpaliwanag ukol sa ulat kasabay ng pagpapasinungaling sa ulat.

BUMAGSAK KAHIT SAAN

Sabi ni Roxas, bumagsak ang bilang ng krimen mula sa 900 kada linggo sa 350 na lamang sa Metro Manila.

Bumaba naman sa 28 porsyento ang kriminalidad sa Region 3 sa buwan ng Hunyo kumpara sa parehong panahon noong nakaraang panahon.

Hirit ni Roxas, hindi niya alam kung saan nanggaling o nakabatay ang ulat na dumami ang krimen.

HULING HIRIT

Sa kabila ng pagdidiin niya na naging epekto siya bilang boss ng mga pulis, medyo tumabi-tabi naman siya at hinayaang lumabas ang usok ng balita.

Sabi niya, kung sakaling totoo man ang balita, ito’y dahil sa mas makatotohanan nang pag-uulat ng pulisya.

Binago na umano ang pag-uulat ng pulisya mula sa paghahabi ng mga kasinungalingan at tahasang pagko-cover up ng mga krimen.

Sabi pa niya, napakarami nilang tinanggal na pulis dahil sa sadya o mali-maling pag-uulat ng mga ito.

Aba, may tama si Roxas dito, mga Bro.

SAMPOL NG PAGBABAGO

Pumunta tayo sa ilang istasyon ng pulisya at pinagmasdan natin ang aksyon ng mga pulis sa mga dumarating na nagrereklamo.

Dati-rati, mga Bro, hanggang blotter lang ang ginagawa.

Ngayon, may pa-selfie pa at isinasagawa ito habang pinapipirma sa blotter ang mga nagrereklamo.

Siyempre pa, normal na ang pagkakataon na ginagawan ng complaint affidavit ang isang nagrereklamo para sa pagsasampa ng kaso sa piskalya.

Pero may nananatiling problema, mga Bro.

Batay sa reklamo ng mga nagrereklamo, pumuti na ang uwak sa kahihintay ng resulta sa reklamo, wala pa ring balita mula sa mga pulis.

Rason ng mga pulis, karaniwan na kasi silang pinalalabas para magpatrulya at wala nang gumagawa ng mga follow-up sa mga kaso gaya ng ginagawa ng mga detective.

Anak ng tokwa, trulse pa ito?

Kaya tuloy ang mga kriminal sa pagpipiyesta at pagsalakay sa mga mamamayan?

ANG REKORD

Sakaling totoong hindi alam ni Roxas kung saan nanggaling ang ulat, hindi dapat na hanggang doon na lamang siya.

Nga pala, wala na siyang say sa pulisya dahil nagbitiw na nga siya bilang bosing ng mga parak.

Pero dapat ituloy ang pagbabalita ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management.

Nitong Enero – Hunyo, 2015, sinasabi ng DIDM na may 885,445 na krimeng naganap kumpara sa 603,085 sa parehong panahon noong 2014.

Kasama sa mga dumaming krimen ang murder, homicide, rape, pagnanakaw, karnaping at physical injuries.

At sa ulat pa rin ng DIDM, may 289,198 krimen noong Enero-Hunyo, 2014 kumpara sa 245,347 kumpara noong Enero-Hunyo 2013.

Mula pa rin sa DIDM, tumaas ang krimen mula sa 217,812 noong 2012 sa 631,406 noong 2013.

Kung medyo nalilito kayo sa mga ulat, tumawag na lang kayo, mga Bro, sa kung sinoman sa PNP at DILG.

MALING ULAT

Kung bakit kayo na lang ang bahala na umalam ng katotohanan, eh, batay na rin sa sinasabi ng mga bosing sa kapulisan at mismo ni just resigned Sec. Roxas.

Bilang reaksyon din, sinabi ni C/Supt. Wilben Mayor, spokesperson ng PNP, mali ang datos na naikalat.

Naghugas-kamay o sabihin nating nagpapakatotoo lang naman si bagong talagang PNP boss, Director General Ricardo Marquez sa pagsasabing hindi namang crime statistics lang ang pagbabasehan ng performance ng pulisya bagama’t mahalaga talaga ito.

FOI IPASA NA

Dahil sa pag-uulat ng media ukol sa krimen na pinabubulaaan at sinasang-ayuan mismo ng mga taga-DILG at PNP, obserbahan ninyo, maghihigpit na naman ang mga pulis sa pagpapalabas ng mga ulat.

May mga hepe na namang mag-uutos sa mga pulis na itago ang mga blotter at record at tanging ang sasabihin lang nila nang verbal ang iuulat ng mga kapatid natin sa media.

Ilang beses na nating naranasan ito kaya nasasabi natin ito.

Naalala tuloy natin ang panukalang batas na Freedom of Information.

Inaamag na ito sa Kongreso at bantulot ang Palasyo na isulong ito.

Kayong mga mambabatas na nagmamahal sa freedom of the press and of expression, aba, kumilos naman kayo.

Alang-alang sa katotohanan sa mga rekord at transaksyon ng pamahalaan at mga opisyal nito at para sa kapakanan ng buong bayan.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>