Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG NAANTALANG KONTRA-SONA NI BINAY

$
0
0

MULING binanatan ni Vice President Jejomar Binay si President Noynoy Aquino at kapalpakan umano nito sa “True State of the Nation Address” (SONA) na kanyang tinalakay noong Lunes.

Ito ang sagot ni Binay sa SONA ng Pangulo isang linggo na ang nakalilipas na sumentro sa natamong tagumpay sa ekonomiya, laban sa korapsyon at marami pang iba; pagbatikos sa nakalipas na administrasyon; at pasasalamat sa kaalyado ng gobyerno, pati na sa kanyang yaya.

Si Binay ay larawan ng isang beteranong politiko, isang mapagmalaking lider ng oposisyon habang kinokondena ang kapalpakan ng administrasyon sa Luneta hostage-taking crisis, pagkasira ng Metro Rail Transit, VIP treatment sa preso ng New Bilibid Prisons at Disbursement Acceleration Program.

Binawasan daw ng gobyerno ang budget ng state universities and colleges, nabigo na magbigay ng trabaho sa karamihan ng Pilipino o pag-aasikaso sa pangangailangan ng tinamaan ng kalamidad tulad ng bagyong “Yolanda.”

Tinukoy ni Binay na sa nakalipas na limang taon, mas maraming Pilipino ang naghirap, nawalan ng trabaho at nagutom habang ang mayayaman ay lalong yumaman, kabilang na ang mga kaibigan, kaklase at kapartido ng Pangulo.

Pinuna rin ni Binay ang kabiguan ni PNoy na pasalamatan ang 44 Special Action Force commandos na nasawi sa paghuli ng dalawang kilalang terorista sa Mamasapano, samantalang ang mahabang listahan ng mga tao kabilang na ang tagaayos ng buhok at tagadisenyo ng damit ay hindi nalimutan.

Iniharap ang tarpaulin na nagpapakita sa mukha ng 44 na bayaning SAF habang binabasa ni Binay ang kanilang mga pangalan.

May bumatikos kay Binay sa social media sa paggamit umano ng 44 na SAF sa kanyang pagbanat sa gobyerno at planong pampulitika.

May kumuwestiyon din kung bakit nanatili si Binay ng limang mahabang taon sa Gabinete at pinalakpakan ang Pangulo sa mga naunang SONA, kasama ng ibang kaalyado ng administrasyon, kung marami siyang nakitang kapalpakan sa gobyerno ni PNoy.

Kapana-panabik sana ang naturang talumpati kung naibigay ito ni Binay isang araw matapos ang SONA ng Pangulo, na kadalasang ginagawa.

Dahil inabot ng isang linggo bago makumpleto ng mga tagagawa o taga-sulat ng talumpati ni Binay ang kontra-SONA ay panis na ito at maasim para sa panlasa ng ibang tao.

*              *              *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>