Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ROXAS, DE LIMA: HUSTISYA SA SAF 44 BAGO MAG-RESIGN

$
0
0

MAKABAGBAG-DAMDAMIN at napaluha pa itong si DILG Sec. Mar Roxas nang mamaalam siya sa PNP at ginawa pa niyang halimbawa ang nangyari sa SAF 44, sa anggulo ng mga salitang “ang mamatay nang dahil sa iyo”.

Ang drama puwede mo ngang ilaban sa pagka-best actor, eh. Hindi kaya naisip ni Mar Roxas na hindi pa naman talaga nareresolba o nabibigyan ng tunay na katarungan at benepisyo ang pamilya ng SAF 44?

Sa kanyang talumpati, inihalintulad ni Roxas ang sinapit ng SAF 44 at ang kanilang dedikasyon sa bayan at sa serbisyo sa diwa ng huling linya ng pambansang awit na “Lupang Hinirang,” na nagsasabing, “Ang mamatay nang dahil sa ‘yo!” bilang ama ng National Police Commission.

Sabi nga ni Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-List Rep. Samuel “Sir Tsip” Pagdilao, okey sana ‘yung pamamaalam ni Sec. Roxas. Kasi for delicadeza para sa pagtakbo niya bilang Presidente sa 2016 election.

Pero bago sana niya iwanan ang PNP at bitiwan ang puwesto, e, ilagay na muna niya sa ayos ang lahat.

Mabuti na lamang at hindi muna tinanggap ni Pang. Aquino ang kanyang resignasyon sa DILG. Alam naman kasi ng Pangulo na sadyang napakarami pang nakabinbin sa DILG na dapat lutasin o isaayos ni Sec. Mar Roxas. Huwag naman kasing resign agad dahil excited? Hehehe!

Hindi dapat mawaglit sa ating mga isipan na noong ika-25 ng Enero, 44 na kasapi ng PNP Special Action Force ang walang-awang pinaslang sa isang engkwentro habang kumikilos ang mga ito sa isang opisyal na misyon na nakarating sa kaalaman ni PNoy.

Isa lamang ito sa mga kasong nangangailangan ng resolusyon sa ilalim ng administrasyong Aquino, partikular na sa DILG sa ilalim ng pamumuno ni Roxas, na naging matunog sa mga headline.

Sabi nga ni Pagdilao, nagsisilbing hamon sa determinasyon ng pamahalaan na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng SAF 44 at sa pagpapawalang-saysay sa pananaw na ang pagbuwis nila ng buhay ay inialay sa ngalan ng BBL at para maisalba ang usapin ng kapayapaan sa Mindanao. Ang pagsulong ng kaso ay nakasalalay kay Roxas at kay Department of Justice Sec. Leila de Lima.

Ngayong lumitaw na ang pag-endorso ng administrasyon sa kanila bilang mga kandidato sa darating na halalan, at ngayon na nakaamba na ang pagbitiw nila sa puwesto bilang natural na bahagi ng proseso, tinatanong ni Pagdilao kung ano na ang kahahantungan ng SAF 44.

Habang papalapit na ang eleksyon, hindi umano dapat manaig ang pampulitikang interes sa pagtupad ng mga binitawang pangako na paghahatid ng hustisya para sa SAF 44.
Dagdag pa niya, ito ang naiwanang kaso na nangangailangan ng agarang aksyon mula sa gobyernong Aquino.

Sabi pa nga ni Sir Tsip Pagdilao, dapat lang na pagsikapang tuldukan na ang kasong ito bilang huling pagpipitagan sa serbisyo bago pa man siya bumaba sa puwesto at tumulak sa susunod nitong hakbang sa pulitika. Maaaring isa na ito sa mga inaabangan ng taumbayan na kilos mula kay Roxas para makuha ang kanilang pag-apruba.

Pag binalewala pa rin ang kaso ng SAF 44 hanggang sa darating na 2016 election ay posibleng balewalain din ng tao ang pambato ng dilawan na si Mar Roxas.

***
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09353110472 at 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>