Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ATTENTION QCPD OIC DD GEN. EDGAR TINIO

$
0
0

NANG minsang makausap ko ang bagong Regional Director (RD) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si C/Supt. Joel D Pagdilao, nasabi nitong ilalabas niya ang mga pulis na nasa Region dahil nagsisiksikan na ang mga ito roon at para na rin magamit at mapakinabangan ng 5 police district.

Ang hakbang na ito ni Pagdilao ay naaayon na rin naman sa kagustuhan ni bagong PNP Chief Director General Ricardo Marquez.

Maganda ang gagawing ito ni Gen. Pagdilao, sana nga lang ay  matutukang mabuti ng mga district director dahil kung hindi ay baka maging sakit ng ulo at problema lang ito ng PNP.

Alam naman nating hindi mawawala ang palakasan system, lalo na roon sa mga pulis na ayaw na ayaw magsuot ng uniporme kaya mas gusto pa nila sa loob kaysa lumabas at mag-patrol.

Aminin man ng mga district director o hindi, maraming 15/30 sa kani-kanilang distrito.

Ngayong ilalabas ni Gen. Pagdilao ang mga pulis na nasa region, tiyak na madaragdagan na naman ang mga 15/30.

Para maiwasan ang 15/30, kailangang araw-araw na mag-submit ang mga district ng attendance ng kanilang tao sa NCRPO na pirmado ng pulis o kaya’y magtalaga ng isang team bawat distrito na magpapapirma sa naka-duty na pulis.

Bukod sa 15/30 ay tiyak na mga taong-bahay lang sa mga opisina o mga unit ang mga pulis na malalakas at may kapit.

Isang halimbawa na rito itong Firing Range ng Quezon City Police District (QCPD) kung saan sinasabing may 7 pulis na naka-detail diyan gayong wala naman silang ginagawa.

Okey na ang 2 o 3 pulis sa firing range dahil marami namang range officer at may mga sariling bata-bata.

Attention, QCPD OIC District Director, C/Supt. Edgardo Tinio, sir, paki-monitor lang ang mga tao riyan sa Firing Range ng Kampo Karingal dahil may nakarating na impormasyon sa Lily’s Files na may mga nag-iinuman daw riyan sa loob ng Firing Range tuwing hapon hanggang gabi.

Aba delikado ‘yan Gen. Tinio. Alalahanin n’yo, sir, may mga baril ang mga taong nasa loob ng firing range.

Baka mabulaga na lang kayo ‘pag nakarinig kayo ng putukan diyan sa gabi.

Speaking of QCPD Firing Range, may nakarating na sumbong sa Lily’s Files na isang range officer daw ang naghahari-harian diyan ngayon, sobrang astig daw ng range officer na ito, dahil kung ano ang gusto ay ‘yun ang masusunod.

Wow naman! Papayag kaya ang bagong OIC ng QCPD na mag-hari-harian sa kanyang cuadra ang range officer na ito?

Hmmmmmm, tingnan natin kung mapasusunod ni Gen. Tinio ang astig na range officer na ito.

***
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09353110472 at 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>