PAALALA sa lahat ng mga mananakay (commuters) ng mga bus, mangyari ay mag-ingat kayo sa pagsakay n’yo dahil may mga grupo ng ‘Ipit Gang’ ang lumalakad ngayon na nambibiktima sa pamamagitan ng pag-ipit ng mga ito sa kanilang binibiktima.
Sa karagdagang kaalaman sa modus-operandi ng grupo ay basahin ninyo ito:
Dear Sir Johnny, ang grupo ng ‘Ipit Gang’ay lumalakad ng mula 5:00AM – 8:00AM. Sir ang isang grupo ay 14 po sila kung lumakad.
At ‘yung isa naman ay 7 sila kung lumakad na nagsisimula sila sa Guadalupe, Makati hanggang Evangelista na paikot-ikot lang sila.
Sir ang kadalasan ang lakad nila ay Lunes hanggang Biyernes na sinasakyan nila kapag sila ay umalis ay ordinary o kaya aircon bus.
Ang modus operandi nila ay iipitin nila ang kanilang bibiktimahin tapos ay dudukutan nila ito. Lahat sila’y nakapantalon (disente) na ang pinakatirador nila ay isa lang, ‘yung naka-bag.
Madali lang sila makilala kasi sobrang dami nila kung lumakad na karamihan sa mga ito nasa edad 40.
Sana Sir Johnny ay masugpo ang mga ito.
TONG-COLLECTION SA REGION 4-A TALAMAK
Balikan natin ang Region 4-A (Calabarzon), kaya hindi mapatigil ang talamak na mga iligal na pasugalan at iba pang vices ay dahil sa wala pa ring tigil ang ginagawang pangongotong ng mga bata ng engkargado ni Regional Director (RD) Gen. Richard Albano na si Atty. Asuncion.
Walang pa ring tigil ang panghihingi ng‘timbre’ nina Ryan B., ang pulis na si Willie Happy (Maligaya) sa Batangas, sa Rizal at Cavite ay si Tony Villacorta, Sgt. Rey sa Quezon at Sgt. Greg sa Laguna.
Walang ginagawang aksyon si Gen.Albano laban sa mga gumagamit ng pangalan niya?
Hindi kaya may kinalaman si heneral sa ginagawang pangongotong ng grupo nina Asuncion?
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

