KUNG hanggang ngayon ay mahina ang rating ni Mar sa pagka-Pangulo, ito ay dahil maraming dismayado kay Noynoy.
Habang ipinagpipilitan ni Mar ang Daang Matuwid na mamanahin niya kay Noy ay lalo lang masasadlak si Mar sa kumunoy ng pagkatalo sa darating na halalan.
Be your own man, Mar. Ipakita mo na may sarili kang paninindigan at hindi ka nagtatago sa saya ni Noy.
Ayaw bigyan ni Noy ng pagkilala sa mga nasawing Special Action Force 44.
Ganoon din ba ang alituntunin ni Mar?
Tiyak na hindi boboto ang mga naulila ng SAF 44 kay Mar dahil wala rin siyang pahayag na pararangalan niya ang mga nasawing pulis sa Mamasapano carnage.
Bakit nga naman ire-recognize ni Mar ang Fallen 44?
Gusto ba niyang makagalitan ni Noy?
Hindi lang mga kamag-anak ng Fallen SAF 44 ang tiyak na hindi boboto kay Mar.
Pati na mga kapitbahay, kabaranggay, kaprobinsiya at mga nakikisimpatya katulad ng kapulisan ay malamang na hindi iboboto si Mar.
Sayang na mga boto ito, mga botong lalong magpapalubog sa kandidatura ni Mar.
Mabigat ang dinadala ngayon ni Mar.
Lahat ng mga suliranin na hindi na kayang sulusyonan ni Noy ay nakapatong sa kanyang mga balikat.
Ito ngayon ang campaign strategy ni Jojo Binay.
Mukhang inililihis ni Binay ang usapang corruption na involved siya.
Nagko-concentrate siya sa kapalpakan ni Noy na kanyang pinamamana na niya kay Mar.
Ang mga kapalpakang ito ay ang pahirap sa bayan ng mga giba-gibang mga riles at train ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT)
Naroon din ang massive sumuggling ng iba’t ibang mga commodity katulad ng bigas, sibuyas, bawang, mga mamahaling kotse at pati na crude oil na bilyon-bilyong piso ang halaga.
Napakamahal ng lahat ng bilihin, pati na galunggong, mga prutas at mga gulay.
Ang kriminalidad ay lalong sumasama na kitang-kita sa lahat ng sulok ng Pilipinas na nilagyan ng CCTV. DEEP FRIED/RAUL VALINO
