OO na, payag na akong manalo si Mar Roxas sa pagka-Pangulo ng bansa, pero paano na ang unang state visit nito sa Japan?
Kung saka-sakali ay sino ang makakasama ni Mar na First Lady sa bansang Hapon? Hindi naman pwedeng wala dahil alam ng lahat na may asawa ito.
At lalong hindi naman pwedeng ang asawa nitong si Ate Koring ang isama ni Mar Roxas, dahil alam naman ng buong mundo na hindi ito kailanman maaaring tumapak o magtungo saanmang lugar sa bansang Hapon.
‘Di nga ba, mismong si Japan Prime Minister Shinzo Abe, ang nagdeklarang Persona Non Grata, sa asawa ni Mar Roxas noong nakalipas na buwan ng Disyembre 2014?
Masakit ang mga binitiwang salita ni Prime Minister Abe pero wala tayong magagawa.
Nasaktan din kasi sila sa mga binitiwang salita ng news anchor na si Korina Sanchez sa kanilang programang TV Patrol sa ABS-CBN.
“I am very saddened to hear reports schadenfreude coming from a TV anchor, who just last year was put in her place by Mr. Anderson Cooper of CNN. That is why without a second thought, I am declaring wholeheartedly Ms. Korina Sanchez of the Philippines as an unwelcome person anywhere in Japan,” ayan po ang sinabi ni Japanese Prime Minister Abe.
Matatandaang nag-ugat ang galit ni PM Abe kay Ate Koring nang magkomento ito kaugnay sa papalapit na malakas na bagyong Ruby, na may international name na Haiyan noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon.
Sinabi ni dating Vice President Noli de Castro na, “Sana hati na lang tayo, kalahati sa Pilipinas at kalahati naman sa Japan” pero kinontra ito ni Korina at sinabing “Pwede bang sa kanila na lang lahat, parang mas kaya nila.”
Kaya kung mananalo itong si Mar Roxas sa pagka-Presidente sa darating na 2016 election at sa unang state visit nito sa bansang Hapon, ay isama kaya niya ang kanyang asawang si Ate Koring bilang First Lady?
At dahil First Lady na si Ate Koring ay alisin kaya ng bansang Hapon ang persona non grata na kanilang idineklara sa news anchor ng ABS-CBN?
‘Yan ang 1-million question na ating aabangan.
‘Yan ay kung saka-sakali lang naman na manalo itong si Mar Roxas.
Sabi tuloy ng ating mga kaibigan sa palengke, ano ba ‘yan, kay Pangulong Aquino ang kapatid na si Kris ang nagpasira at kung mananalo itong si Mar Roxas ay ang asawa naman nitong si Korina ang makasisira.
Hayyyyyy naku, ganyan ba talaga ang ugali ng mga mayayaman at maiimpluwensiyang tao sa lipunan?
Sana may tumakbong mangingisda o kaya ay maglulupa o obrero sa darating na 2016, subukan naman natin ang mga mahihirap ang mamuno sa atin.
o0o
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09353110472 at 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES