Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PATI CIDG MAY KOLEKTOR?

$
0
0

ANG mandato ng WACCO o Women and Children Complaints Office ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay asikasuhin ang mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan, pati mga menor de edad na nahaharap sa panganib, pinsala o pagsasamantala.

Ang Anti-Transnational Crime Division (ATCD) ng CIDG naman ay isang espesyal na unit na nakabase sa Metro Manila at hawak ang mga kasong transnational crimes, kabilang ang human-trafficking.

Ang mga pulis na nakatalaga sa dalawang naturang yunit ay nagsanay para pagtuunan ang pagpoprotekta sa mga kababaihan at kabataan sa pang-aabuso at human trafficking.

Kaya nagulat ako kung totoo man ang report na nakalap ng Firing Line na may karagdagang pagsasanay umano na dinaraanan ang WACCO at ATCD, at ito ay kung paano mangolekta ng tong sa lugar o establisimyento na sasalakayin.

Ayon sa ating mga espiya, isang William Cajayon na dating pulis na nasibak sa serbisyo ang kolektor umano ng tong ng WACCO at ATCD ng CIDG.

Ipinangongolekta raw nito si S/Supt. Romeo Baleros, hepe ng WACCO sa buong Metro Manila.

Ito’y na-dismiss daw na pulis QC na-entrap ng NBI na nanghulidap, at inireklamo sa isang TV program. Ngayon ay nagpapanggap itong pulis habang nangongolekta ng tong.

At ayon sa mga espiya ng Firing Line, lagi raw itong may dalang uniporme ng pulis sa kotse, na ginagamit pang-“show up” sa mga kinikikilan niya.

Ano ito? Kung sino pa ang inaasahang magbigay ng proteksyon sa mga babae at bata ay sila pa ang nagpapabulag at nasisilaw sa salapi.

Kaya ba malakas ang loob ng kasa at night club na magbenta ng panandaliang aliw sa iba’t ibang siyudad sa Metro Manila, lalo na sa Makati, Pasay, Parañaque, Quezon City, at mag-empleyo ng mga batang babae at menor-de-edad na inaalok sa mga parokyano?

Director Benjamin Magalong, PNP CIDG chief, dapat sigurong arestuhin ang Cajayon na ito at paimbestigahan na rin ang WACCO chief na si Baleros, upang malaman kung may basbas nga niya ang pag-iikot ni Cajayon sa mga naglipanang night club at prostitution house.

Tiyak na hindi kukunsintihin ng bagong PNP Chief na si Deputy Director General Ricardo Marquez ang ganyang kalokohan.

***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>