Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BUMABAHO NA AT PAANO ANG OSPITAL, ISKUL, SUNOG?

$
0
0

LUMALABAS na aabot sa isang linggo at hindi lang ilang araw ang pagkawala ng suplay ng tubig sa 1-3 milyong kostumer ng Maynilad.

Malaking parusa at perwisyo ito sa lahat.

Hindi ka na nga makatitiyak ng personal na kalinisan, problema pa ang panluto, inumin, panlaba, hanapbuhay at iba pa

At may nagsimula nang ulat sa atin: ang pamamaho ng paligid.

PROBLEMA SA CR

Very excuse me po sa ating mga mambabasa.

Itong kalinisan sa palikuran o comfort room ang isa sa mga napakalalaking problema sa kawalan ng tubig.

Matiis ng tao ang uminon ng kakaunti o magpunas-punas lang muna.

Pero itong paggamit ng CR ay dapat na todo ang paggamit din ng tubig.

Kapag tinipid mo ‘yan, alam mo na kung ano ang mangyayari.

Eh, araw-araw na dumudumi ka na nangangailangan ng isang malaking balde upang lumubog at malinis ang dapat na lumubog at malinis.

PATONG-PATONG

Isa sa mga sumbong ng ating Uzi, mga Bro, ay ang pagpospon ng pagbubuhos ng CR hangga’t hindi natatapos na magbawas ang lahat ng miyembro ng pamilya.

Kaya patong-patong ang mga dumi muna bago magkaroon ng pagbubuhos.

Alam na ninyo kung ano ang kasabay at kasunod nito.

Bumabaho ang mga tahanan, mga condo, hotel at iba pa.

Bumabaho na rin ang paligid.

Paano kung may mga nagtatae, eh, karaniwang iba ang amoy ng dumi niyan?

Yaaaaaaaaak!

Kahit anak mo o asawa mo o ama o lolo mo ang magkaroon ng sama na tiyan, kukulo ang sikmura mo sa amoy.

WALANG PANGHANDA

Totoong may information campaign o paalala ang Maynilad ukol sa kawalan ng suplay ng tubig ng kung ilang araw.

Pero kitang-kita naman kung gaano katindi ang kawalan ng pamalit na programa ang kumpanyang ito sa problemang nilikha nila.

Halos walang makitang tanker ng tubig ng Maynilad upang magsuplay sana ng tubig.

Kailangan pang tumawa ka sa Maynilad upang may darating na tanker pero siyam-siyam pa ang pagdating nito.

BUTI’T MAY POSO-NEGRO

Mabuti na lang at may poso negro kahit papaano sa ilang lugar.

At salamat sa mga politiko na nagproyekto sa mga ito.

Kahit duda tayo sa kalidad ng tubig dahil amoy at lasang bakal ang galing sa mga poso, anak ng tokwa, isang kilometro naman ang pila ng mga umiigib.

May mga tanker na dumarating pero parang nilalapa ang mga ito ng piranha.

Nauubos kaagad ang karga ng mga ito at may mga nag-aagawan at nag-aaway-away pa dahil sa unahan.

OPERASYON NG ISKUL

Maganda ang ginawa ng ilang eskwelahan magsara pansamantala at huwag na lang papasukin ang mga mag-aaral.

Talaga namang problema ang pagdumi at pag-ihi ng daan-daan o libo-libong estudyante sa isang paaralan lamang.

Mapa-kinder, elementary, high school at kolehiyo o unibersidad, talaga namang problema ang suplay ng tubig.

Ang kahit daan-daan lang mula sa libo na dumumi at dyuminggel, mga Bro, ay nangangahulugan ng pagbaho ng eskwelahan.

Kung makatiis-tiis ang mga malalaking mag-aaral, hindi pupwedeng tiisin ang mga nasa kinder at elementarya.

Kumusta ang suplay ng Maynilad sa mga eskwelahan?

SA OSPITAL

Kabilang sa mga notoryus na establisimyento, mga Bro, sa usapang pangkalinisan ang mga ospital ng gobyerno.

Alam ba ninyong patong-patong ang mga dumi ng mga pasyente, bantay at bisita ng mga ito.

‘Yang Philippine General Hospital ang isang sampol nito. Kahit may suplay ng tubig, nagaganap ito.

Eh ‘di lalong mas masama ang kalagayan ngayon nito ngayong wala talagang suplay ng tubig?

Nasaan ang mga tanker ng Maynila para sa mga ospital?

MAGDASAL VS SUNOG

Binisita natin ang mga fire hydrant, pati na ang mga igiban ng mga walang tubig at pambayad ng tubig.

Anak ng pitong putakte, tumindig ang ating balahibo.

Paano kung magkaroon ng sunog?

Walang silbi ang mga sinasanay nating mamamayan na lalaban sa sunog dahil wala silang magagamit na sunog.

Wala ring silbi ang mga nakakabit sa mga gusali na hose at water nozzle para ipanlaban sa sunog.

Kailangan ding bumiyahe ng malayo, sa sakop ng Manita Water, ang mga bumbero.

Ang masasabi natin, magtulong-tulong tayong mag-ingat sa sunog.

At dapat na walang magtelebabad sa mga telepono ng mga bumbero para magiging maganda ang paghingi natin ng saklolo mula sa kanila.

MAGTIPID

Kung may tubig tayo, tayo’y magtipid.

Lalo na kung iisipin natin na napakamahal ang mga tubig na benta ng mga tindahan, grocery at mall.

Pagsumikapan nating magbigayan, magtulungan at magkaisa ngayon.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.