Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

1 LINGGONG ULAN SA 2 BAGYO AT HABAGAT

$
0
0

MAGSIMULA sa araw na ito, sinasabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na magiging maulan sa loob ng isang linggo sa kalakhan ng mahal kong Pinas.

Ito’y dahil sa bagyong si Ineng na pumasok na sa Philippine area of responsibility at maaaring tumama sa Hilagang Luzon.

Babatakin naman nito ang habagat mula sa timog at magasasabay na magpaulan ang bagyo at habagat.

Kung darating pa sa PAR ang bagyong Atsani, ito ang magpapatagal ng tag-ulan.

ULANG MALAKAS

Sinasabi ng PAGASA na magiging malakas ang mga ulan na babagsak sa Huwebes sa Visayas at Mindanao.

Sa Biyernes naman bubuhos ang mga ulan sa malaking bahagi ng Luzon sa Biyernes.

Kaya aasahan na nating maganap ang mga malawakan at matataas na baha kahit saan.

Naririyan ang mga panganib gaya ng kamatayan kahit saan sa pagkalunod at iba pang lilikhain ng bagyo at habagat.

Ang mga halaman masisira, pati ang mga palaisdaan, at magkakaroon din ng mga katakot-takot na trapik kahit saan.

Naririyan ang mga lulubog na mga bahay at sasakyan sa dagat at mga lansangan.

Ang mga landslide at pagkasira ng mga kalsada at tulay magaganap din.

MAGHANDA LAHAT

Nasa signal number 3 ang Ineng ngayon pero maaaring lalakas pa at magiging super bagyo kaya naman dapat nang maghanda ang lahat.

Isa sa mga dapat na ihanda ang mga gamit ng komunikasyon, radio, telebisyon, social media at diaryo, kasama na ang pagsubaybay sa mga anunsyo ng PAGASA at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan.

Alamin ang mga lugar na ligtas at maghanda sa mga panawagan sa evacuation.

Siyempre pa, hindi natin kailangang pagsabihan ang taga-DSWD.

Kung pagsabihan man natin sila, eh, dapat bilisan nila ang maghatid ng tulong at pigilin ang mga tauhan ng mga ito na magtabi para sa kanilang mga sarili mula sa mga tulong ng mga donor.

PATAY AT GUTOM

Hindi patay-gutom kundi kamatayan at gutom ang dapat na unang isipin natin, mga Bro.

Magagawa natin ang laban dito kung pairalin natin ang mga pagtutulungan at pagkakaisa.

Sa pagitan nating mga mamamayan at sa pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan.

Karaniwang nagaganap ang mga kamatayan at gutom kung tayong magkakanya-kanya at kung magtuturuan naman ang mga ahensiya ng pamahalaan kung sino-sino sa kanila ang unang kikilos para iligtas sa kamatayan at gutom ang mga mamamayan.

HELIKOPTER

May mga dumating na helikopter na sinasabing bago. Hindi tayo nakasisiguro kung bago ang mga ito o bagong dating. Hehehe.

Pero alam ba ninyo ang unang salita ng mga onorabol na opisyal ng gobyerno? Gagamitin daw nila ang mga ito sa pagseserbisyo sa mga opisyal ng ibang bansa na dadalo sa miting ng Asia Pacific Economic Conference at para sa mga taga-Malakanyang.

Ngayong magbabagyo at magkakaroon ng kalamidad, gagamitin din ba ang mga helicopter sa pagliligtas at paghahatid ng mga pagkain sa mga biktima ng kalamidad?

O hahayaan lang nila ang mga search and rescue team na maglakad at lumangoy para magligtas at maghatid ng pagkain sa mga biktima kaya inaabot ang mga ito ng siyam-siyam hanggang sa magkandamatay-matay at magkandagutom-gutom ang mga mamamayan!

BIGAS, ATBP.

Sinasabi ng gobyerno na hindi naging maganda ang aning bigas at mais nitong unang kalahati ng taon dahil sa El Niño.

Nangangahulugan din ba ito ng pagkonti ng suplay ng mga butil na ito ng National Food Authority na karaniwang pinagkukunan ng gobyerno ng pang-alalay sa mga biktima?

Sana naman hindi at may sapat na suplay ang NFA para sa emergency, lalo’t tag-ulan ngayon na halos pawang mga malalakas na bagyo ang dumarating.

Panahon pa man din ng taggutom at kahirapan.

DONOR FATIGUE

May tinatawag na donor fatigue.

‘Yun bang === nauubusan din ng maitutulong ang mga mamamayan sa mga dinadatnan ng emergency.

Lalo’t mismo ang pamahalaan ang umuubos sa laman ng bulsa ng mga mamamayan sa dami ng buwis na sinisingil nito at sa laki ng mga multa na ipinapataw nito sa mga mamamayan.

Magtanong pa kayo sa mga tsuper ng mga dyipni at traysikel at maliliit na negosyante.

Sa rami rin kasi ng mga nagaganap na emergency na hindi lang galing sa mga bagyo at baha. Mayroon ding mga sunog, pagkalason at iba pa.

Gusto man nilang tumulong, wala na silang magagawa kundi magdasal na lang.

Kaya nagmumula rito ang kaisipan na dapat manguna ang pamahalaan sa pagkilos lalo’t sinasabi nitong umaapaw ang yaman nito na pinagmumulan ng P900-bilyong pondo para sa paggawa ng Public-Private Partnership projects na pawang mga bilyonaryo ang partner sa paggawa.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>