Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANO ANG IBIG-SABIHIN NG PHOTOBOMBER?

$
0
0

KAYONG mga karaniwang tao, alam ba ninyo ang ibig-sabihin ng photobomber?

Ang reklamo kasi ng Knights of Rizal, isang photobomber ang multi-storey condominium na Torre de Manila dahil hinaharangan daw nito ang monumento ni Jose Rizal.

Bomba ba ito? Tanong ng isa. At sino naman kaya ang kumuha ng picture o photograph?

Nakamamatay ba ito, sagot naman ng iba. Aba, kung bomb nga ito, bakit hindi ito kumuha ng bomb experts para ma-difuse ang bomba.

Baka sumabog ang Torre at marami ang mamatay. At bakit nga namang nagrereklamo ang Knights of Rizal?

May knights ba si Rizal. May knights din ba si Columbus?

Ang alam ko, ang sabi pa ng iba, walang knights sa Pilipinas.

Ang mga knight daw ay sa England, at hari o reyna lang ang naggagawad ng titulong knight sa mga pinamumunuan nila.

Kung photobomber daw ang Torre, sino naman ang photographer?

Ipakukulong kaya ang sinomang photographer na gustong kumuha ng picture ng estatwa ni Rizal na hindi naman knight?

Sa hirap ng buhay ngayon, may mga tao pa bang baon sa utang, o mga taong walang makitang trabaho ang magkakaroon ng interes kung ano ang photobomber?

Sayang talaga ang perang ginagastos ng Korte Suprema sa pagtalakay ng usapin ukol sa Torre de Manila na nakaharang umano sa paningin ng mga mata ng mga photographer tuwing kukunan nila ng picture ang monumento ni Gat Jose Rizal.

Bago ang salitang photobomber.

Basahin natin sa Ingles ang katagang ito:

A photo bomber is someone who either intentionally or unintentionally ruins an otherwise normal photo, such as making faces, gestures, naked, or getting naked, in a costume, or doing some other equally hilarious action.

Ang lesson of the day: Huwag kayong kukuha ng picture ng monumento ni Rizal kung ang background ay ang Torre de Manila.

Ano ang parusa?

Baka mademanda rin ang sinomang kumuha ng picture na photobomber ang dating. DEEP FRIED/RAUL VALINO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>