Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

IPINAGKAKAIT BA O PINATATAGAL LAMANG ANG PARANGAL SA MGA SAF 44?

$
0
0

ANG malapagong na pag-usad para masampahan ng kaso ang MILF kaugnay sa pagkamatay sa 44 na magigiting na SAF ay unti-unting nagpapalabnaw sa halaga ng Medal of Valor.

Sa mga nangyayari ay marami ang naniniwala na sadyang pinatatagal  lang at talagang ipinagkakait lang sa ating magigiting na SAF 44 ang parangal na talaga namang para sa kanila.

Minsan ay sinabi ni Branch Rickey “It is not in the honor that you take with you, but the heritage you leave behind.”

Sa ganitong pamamaraan ay dapat na manatiling buhay ang alaala ng magigiting na kasapi ng PNP Special Action Force (SAF) na walang-habas na pinaslang sa isang engkwentro kontra MILF noong nakalipas na buwan ng Enero ng taong kasalukuyan

Isinantabi ng SAF ang pansariling kaligtasan sa ngalan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa, at dahil dito sila ay hindi dapat basta-bastang makalimutan o ipagsawalang-bahala.

Si Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list Rep. na si Samuel “Sir Tsip” Pagdilao ay masigasig na taga-taguyod at patuloy sa panawagan para sa ikalulutas ng kaso ng SAF 44.

Nagpahiwatig din ng pagkadismaya si Pagdilao sa mala-pagong na pag-usad ng pagsasampa ng kaso laban sa MILF, sa kabila ng matagumpay na pagtumba nila sa teroristang si Marwan, gayundin naman sa hindi paggawad ng parangal na Medal of Valor kina PO2 Romeo Cempron at P/SUPT Raymund Train, na naunang napabalitang kabilang sa mga makatatanggap ng pagkilala at gantimpala.

Naniniwala itong si Pagdilao na ang pagpapatagal nito ay katumbas ng pagpapalabnaw sa halaga ng Medal of Valor. Dagdag pa niya, maaring dulot lamang ito ng mahigpit na proseso sa pagpili, ngunit nagpapahiwatig din ito ng pagkakait sa mga magigiting na SAF ng pagkakataon ng pagkilala at pagpapasalamat para sa dimatatawarang kabayanihan ng mga ito.

Mabuti na lamang at mayroong mga pagkilos mula sa pribadong sektor na naglalayong bigyang-pugay ang mga magigiting na miyembro ng unipormadong hanay.

Isa na rito ang Country’s Outstanding Policemen in Service (COPS) Award, na pinangunahan ng Rotary Club of New Manila East, sa ilalim ng liderato ni Pagdilao, katuwang ang Metrobank Foundation.

Ngayong taon ay kasama sa mga COPS awardees si PO2 Adolfo Andrada, na kasama sa SAF.

Ang parangal ay pagkilala sa dedikasyon hindi lamang sa serbisyo kundi pati na rin sa paghihikayat ng COPS awardees sa mga miyembro ng komunidad para makiisa at makilahok sa pagkilos kontra krimen. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>