JUSTICE delayed, justice denied.
Ito ang malaking problema na pinapasan ng ating bansa bukod pa sa napabalitang korapsyon sa mga hukuman na ang mga nagiging biktima ay ang mga kaawa-awang kapus-palad na talo na nga sa batas ay talo pa rin sa hustisya.
Ang isa sa mga dahilan nito ay ang bigong Speedy Trial Act of 1998 sa hukuman man o piskalya.
Gaya na lamang sa Quezon City Prosecutor’s Office na karamihan sa mga kaso na naisasampa riyan ay inaamag na at halos inaabot na ng mahabang taon bago maaksyunan.
Tulad ng kasong isinampa noong Oktubre 30, 2013 na kasong Roberry in an Inhabited Place by a Band and Violation of the Anti-Carnapping Act of 1972 sa Office of the City Prosecutor ng QC sa magkakapatid na Co at ang dating Barangay chairman ng Bgy. Doña Josefa Ch. Jigo at iba pang mga sinangkot dito.
Nag-ugat ang kaso ng lessee sa bahay-opisina sa #23 Kaliraya St., Bgy. Doña Josefa, QC na pag-aari umano ng magkakapatid na Co (lessors) nang paalisin ito rito ng isang Atty. Gaudencio Palafox, kasama ang isang Genero Santiago na nagpakilalang tagapagmana ng mag-asawang Blas Fajardo at Pantaleona Santiago na mga tunay raw na may-ari ng naturang property sa ilalim ng OCT 56 noong Enero 30, 2013.
Dahil sa biglaan ay hindi nagawang mailabas lahat ng lessee ang kanyang mga ari-arian sa malaking bahay-opisina kaya ikinandado na lamang ang mga pintuan. (Itutuloy)
SUGALAN GRABE, RD NATUTULOG
Sa kabila ng mahigpit na kautusan ni PNP chief Gen. Ricardo Marquez laban sa mga pasugalan sa mga kapulisan ay lantaran pa rin ang bookies ng STL ni Kap. Ado sa Bgy. Sta. Maria, Sto. Tomas, Batangas.
E, paano natutulog sa pansitan si Region 4-A RD Gen. Richard Albano.
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA