Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA TAO NI PNOY, GAGO TALAGA

$
0
0

SADYA talagang maraming gagong tao itong si Pangulong Aquino kung mag-isip.

Teka, nag-iisip nga ba sila? At kanino naman kaya nagmana ang mga ito?

Kayo na lang, mga suki, ang magsabi kung anong klase itong si Sec. Emilio Abaya ng Department of Transportation and Communications. Ayoko naman kasi na ako ang magsabi na gago siya. At sabihin kung sino ang kanyang pinagmanahan dahil kitang-kita naman.

Ayon kay Sec. Abaya, hindi naman daw nakamamatay (not fatal) ang matinding traffic sa Metro Manila. Dismayado tuloy ang commuter group na Riles Network sa pahayag niyang ito.

Napaghahalata lang na walang malasakit ang administrasyong Aquino sa mga ordinaryong mamamayan na direktang naaapektuhan ng matinding traffic sa kalsada.

Si Abaya, bilang DOTC secretary, ang dapat nagbibigay ng solusyon sa palpak na operasyon ng MRT at LRT. Pero dahil sa kanyang kapalpakan, bulok ang pamamalakad sa MRT at LRT kaya laging sira ang mga bagon nito na nakaaapekto sa operasyon.

Dahil sa palpak na operasyon ng MRT at LRT, apektado ang trapiko sa Metro Manila kaya bwisit na bwisit ang bayang mananakay.

Pero simple lang ang sagot ni Abaya. Hindi naman daw tayo mamamatay sa traffic. Anak ng bading na palaka!

Hindi ba alam ni Abaya na dahil sa traffic ay marami nang namamatay?

Nagbarilan at nagsaksakang driver dahil nagkagitgitan sa traffic. At dahil sa traffic ay may naghuramentado at nakapatay ng tao. Mabuti nga’t wala pang naghuhuramentadong nagpunta sa opisina ni Abaya para hanapin siya.

Maiibsan ang matinding traffic kung may gagawing kongkretong aksyon ang gobyerno rito. Pero mukhang imposible ito dahil ang mga tao ni PNoy ay hindi alam ang paghihirap na naranasan ng mga mananakay sa araw-araw.

Hindi kasi nila nararanasang tumayo sa bus nang mahabang oras, pawisan at mausukan sa jeep dahil sa halos limang oras na hindi paggalaw ng mga sasakyan.

Hindi kasi nila naranasang makipaggitgitan sa pagsakay o maglakad nang mahaba sa sobrang traffic. Araw-araw bang nag-eeroplano o naghe-helicopter si Abaya kaya hindi niya alam ang hirap ng may traffic?

Ito ang pamamalakad ng gobyernong nais ipagpatuloy ni Mar Roxas kapag siya’y naupong pangulo sa 2016 hanggang 2022. Imadyinin na natin ang mas matinding traffic pero huwag tayong mag-alala, hindi naman ito nakamamatay. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>