Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MATAMIS AT MABILIS NA TAGUMPAY PARA SA OFW

$
0
0

BATID nating hangad ng Bureau of Customs (BoC) na wakasan ang “smuggling” na dahilan ng pagkawala ng bilyon-bilyong piso sa ating ekonomiya taun-taon.

Pero ang paglalabas ng regulasyon para biglaang buksan at inspeksyunin ang balikbayan “boxes” sa paghahanap ng mga bagay na ipinuslit ay hindi katanggap-tanggap sa maraming tao.

Ang rason ng BoC ay nawawalan umano ang gobyerno ng P50-milyon buwan-buwan o P600-milyon taun-taon dahil sa smuggling na gamit ang balikbayan boxes,

Para sa ating overseas Filipino workers (OFWs), ninakaw ng regulasyong ito ang kanilang “right to privacy,” at inalis sa kanilang pamilya ang pribilehiyo na sila mismo ang magbukas ng mga kahong inabot ng ilang buwan para maihanda.

Ang pagpapadala ng mga regalo sa pamilya ay itinuturing na tradisyon sa OFWs. Sa mata ng mga opisyal ng Customs, ang mga kahong ito ay naglalaman lamang ng ginamit na at bagong damit, sapatos, pabango, sabon, delata at ibang gamit.

Pero sa bawat OFW, ang mga regalong ito ay pagpapahayag ng pagmamahal ng nagpadala na nagtiis ng hirap, gumugol ng dugo, pawis at luha sa pagtatrabaho sa isang dayuhang bansa, malayo sa pamilya sa araw at gabi, at minsan ay sa ilalim pa ng mapang-abusong amo, upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mahal sa buhay.

Nang maulat ang bagong regulasyon noong isang linggo, ang mga OFW sa buong mundo ay hindi nag-aksaya ng oras para ipahayag ang kanilang galit sa social media, at ibinunyag na may mga gamit na nawala o nasira umano matapos inspeksyunin.

Nakialam na si President Noynoy Aquino noong Lunes at inutusan ang BoC na tigilan ang pag-iinspeksyon. Sa halip, ang balikbayan boxes ay idaraan sa X-ray at K-9 na pagsusuri nang walang gastos sa nagpadala.

Ang pisikal na pagsusuri ng gamit ay isasagawa lamang kung may makikitang nakapipinsala sa pag-eksamin sa X-ray at K-9.

Sakaling may pisikal na pagsusuri, hihilingin ng BoC na magkaroon ng kinatawan mula sa Overseas Workers Welfare Administration o sa OFW Association, at mamo-monitor ng CCTV ang eksaminasyon.

Sa bandang huli, nakagawa ng sapat na epekto ang tinig ng mga OFW tungo sa matamis at mabilis na tagumpay.

***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>