Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DUTERTE DAPAT MAGDEKLARA NA

$
0
0

MARAMI ang naghihintay sa magiging desisyon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kung tutuloy ba itong kumandidato bilang Pangulo ng bansa o kahit na sa anong posisyon sa darating na 2016 presidential election.

Sa tuwing kapanayamin kasi si Duterte kung plano ba nitong kumandidato bilang Presidente ng bansa ay panay ang tanggi nito ngunit napapanood naman ng mga tao ang kanyang information ads sa mga telebisyon at ginagawa nitong pag-iikot sa iba’t ibang parte ng bansa.

Sa totoo lang, maraming Filipino ang sumusuporta kay Duterte kaya panahon na siguro upang magdeklara na ito ng kanyang kandidatura kung tatakbo man itong Pangulo o kahit na sa ano pang posisyon sa 2016.

Gusto kasing subukan ng mga Filipino kung kaya bang patinuin ni Duterte ang buong bansa kagaya ng ginawa nito sa kanyang lugar sa Davao kung saan ay kinikilala ngayon ang lungsod bilang isa mga pinakatahimik na siyudad sa buong mundo.

Nakilala si Duterte dahil sa paggamit nito ng kamay na bakal sa pagpapatupad ng batas at minsan pang nasangkot ang pangalan nito sa mga pagpatay sa mga kriminal at mga salot sa lipunan na gumagala sa kanyang lungsod.

Marami ang nagkagusto sa pagpapatakbo ni Duterte ng batas kaya hinihikayat itong tumakbo sa mas mataas na posisyon upang masubukan kung magagawa ba niya ito sa buong bansa na sabik na sabik nang magkaroon ng matinong gobyerno.

Anoman ang maging desisyon ni Duterte ay tiyak na susuportahan ito ng mga taong naniniwala sa kanya, lalo na iyong mga taong gustong-gusto nang magkaroon ng pinuno na hindi natatakot na ipatupad ang batas.

Aminin man natin o hindi, may mga naging pinuno tayo na takot na takot na ipatupad nang tama ang batas dahil sa pangamba ng mga ito na mababawasan ang mga taong susuporta sa kanya sa susunod na eleksyon.

Ibang-iba sa mga ito si Duterte dahil ang katwiran nga ng Mayor ng Davao, “Kung ayaw mong sumunod sa batas ay mabuti pang umalis ka na lang sa aming lugar dahil kung hindi, alam mo na ang maaaring mangyari sa’yo.”

Political will ang sinasabing paraan upang magkaroon tayo ng maayos na gobyerno at ito ang nakikita natin kay Duterte na walang kinatatakutan basta’t alam niya na kakampi niya ang batas at ang mga Filipino.

O Mayor Digong, deklara na! ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>