Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SAHOD NG TAGA-DPWH-CAR LAGI NA LANG DELAYED

$
0
0

NAG-IIYAKAN na raw ang mga empleyado ng Department of Public Works and Highways-Cordillera Autonomous Region (DPWH-CAR) dahil sa palaging delayed daw ang sahod.

Ano na ba ang nangyayari sa DPWH, Mr. Sec. Rogelio Singson?

Aba’y, totoo man o hindi ang reklamo ng mga empleyado ng DPWH-CAR, Mr. Secretary, hindi n’yo ito dapat ito balewalain kund umaksyon!

Basahin ninyo ang nilalaman ng reklamo.

Good pm, Sir Johnny.

Meron lang akong ipararating na hindi magandang nangyayari rito sa DPWH-CAR, Baguio City.

Laging delayed ang sahod namin dito sa mesa ni chief Admind Officer Mrs. Josephine Lagasca.

Noong una, kay Sir Francis, 3 days pa lang ay meron na pero ngayon ay umaabot ng 15 days.

Example, ang sahod namin kada katapusan bago pa man mag-a-tres ay nakasahod na kami.

Kung kinsenas naman dapat, disiotso pa lang ng buwan ay nakasahod na kami.

Hindi kami makapagreklamo sa takot na tanggalin niya kami kaya pinababayaan lang namin ito.

Pero sir sobra na  kaya ‘di na namin matiis kaya sinumbong na namin sa inyo.

MGA PASUGALAN SA R-4A UNTOUCHABLE

Nagbibingi-bingihan pa rin si Region 4-A RD Gen. Richard Albano sa talamak na iligal na pasugalan sa nasasakupan nitong rehiyon.

Namamayagpag pa rin ang operasyon ng bookies ng STL nina Kap. Ado sa Brgy. Sta Maria, Sto. Tomas, Batangas; Kap. Noel Virtucio sa San Jose, Batangas, Don Ramon P. at Dante Alvarez naman sa mga bayan ng Biñan, San Pedro at Sta. Rosa, Laguna.

Hindi ko lang alam kung bakit hindi magalaw-galaw ni Gen. Albano ang mga pasugalan sa Region 4-A.

Hindi ko sinasabi na ‘yung mga collector na sina Ryan B., pulis na si Willie M. at Sgt. Greg at Karatihan ay mga collector ni Gen. Albano.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>