Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MATUWID NA DAAN MINAMALAS NGAYON

$
0
0

MINAMALAS yata ang administrasyong Aquino ngayon.

Anak ng tokwa, sunod-sunod o sabay-sabay na nagaganap ang mga kamalasang nito ngayon.

Pero kamalasan nga ba o blessing in disguise?

Depende na kung titingnan na kamalasan o swerte ng pamahalaang Aquino.

JUST WATCH

Just watch, basta manood o magmasid kayo.

Ito ang sagot ni Manong Johnny sa mga katanungan kung ano-ano ang mga posible niyang gawin ngayong nakabalik na siya sa Senado makaraan itong payagang magpiyansa ng Supreme Court kaugnay ng mga kinakaharap nitong kaso.

Kung anoman ang magaganap sa mga sesyon sa Senado ay hindi pa natin matantiya subalit tiyak umanong magiging aktibo si Manong Johnny sa pag-usisa sa panukalang Bangsamoro Basic Law na pilit na gusto ng Malakanyang na ipasa ng Senado at Kamara.

Sa kabila ng pagsasabi niyang magsisilbi siya sa interes ng buong bansa, inaasahang hindi basta maipalusot ng Malakanyang ang mga gusto nito ukol sa BBL.

At kasama na rito ang mga palusot na lump sum o bilyon-bilyong piso sa pambansang badyet sa 2016 na napupuna ng mga oposisyong mambabatas na gagamitin umano ng mga taga-Malakanyang sa halalang 2016.

MINALAS KAY JPE

Siyempre pa, mga Bro, malaking kamalasan sa Malakanyang ang mismong paglaya pansamanta ni Enrile mula sa kulungan at bumalik sa Senado bilang taga-panday ng batas at bantay na rin sa mga posibleng pang-aabuso ng mga senador na kaalyado ng Malakanyang sa kanilang kapangyarihan.

Bagama’t malinaw na hindi nakabatay sa merito ng kaso kundi sa humanitarian consideration ang paglaya ni Enrile, ang paglaya mismo ni Enrile ay nararamdamang tinik sa lalamunan ng mga magkakakosang Aquino.

Kapansin-pansin ang tila pagkaparalisa ng mga oposisyon sa Senado dahil sa takot na matulad sila kay Manong Johnny kung magpumiglas ang mga ito sa mga pang-aabuso ng mayorya.

Ang pagbalik ni Manong Johnny sa kanilang hanay ay malaking tulong upang sila’y makapagbukas ng kanilang mga bunganga ukol sa anomang hindi magandang nagaganap sa Senado, kung meron man.

Siyempre pa, ang sinasabi nating hindi maganda ay nauukol sa interes ng buong bayan at hindi mismo ng mga oposisyon.

PAG-AALSA NG MGA MAG-AARAL

Nakakasa ngayon ang malawakang pag-aalsa ng mga estudyante sa umano’y pagbabawas ng gobyernong Aquino sa badyet sa 2016 ng State Universities ang Colleges.

Sinasabi ng Malakanyang na kabalintuanan ang sinasabing bawas-pondo dahil sa katunayan ay lumaki pa nga ang badyet ng mga ito. Lumaki sa mahigit P1-bilyon ang badyet ng SUC sa susunod na taon kumpara ngayong taon.

Pero ayon naman sa mga estudyante, kasabay naman ito ng pagbabawas ng pondo para sa mga pasilidad o imprastraktura at maintenance and other operating expenses ng mga SUC.

Kabilang sa mga walang pondo ang pagtatayo sana ng mga dormitoryo, halimbawa, ng mga estudyanteng mahihirap na nag-aaral sa University of the Philippines.

MALAKANYANG NAKAHON

Kinahon naman ng mga overseas Filipino worker ang mismong pamahalaang ni Aquino na nagnais na buwisan at sapilitang buksan ang lahat ng balikbayan box ng mga ito.

Kailangan daw buksan ang mga balikbayan box dahil may mga nag-iismagel umano gamit ang mga box na ito.

Pero siyempre, kakambal nito ang kagustuhan ng gobyerno na kumita sa pamamagitan ng buwis.

BIGTIME SMUGGLER

Dito na sumabog ang galit ng mga OFW mismo sa pamahalaang Aquino na walang ipinahahayag kundi pairalin ang umano’y Tuwid na Daan nito.

Lumabas, mga Bro, ang hindi paniniwala ng mga OFW rito dahil pinababayaan lang umano ng pamahalaang Aquino ang mga bigtime smuggler sa mga pantalan at paliparan at sila pa ngayon ang pinag-iinitan.

Bagama’t may nagpasalamat kay PNoy na pigilin ang sapilitang pagbubukas ng mga balikbayan box, hindi basta napawi ang galit ng mga OFW at itutuloy nila ang isang araw na hindi pagpapadala ng kanilng kita sa Pilipinas.

Aabot umano sa mahigit $3-bilyon ang halaga nito batay na rin sa nasa $23B kabuuang halaga ng remittance ng mga OFW sa buong taon.

At malaking dagok umano ito sa pangangailangan ng gobyerno ng dolyar at paglago ng ekonomiya sa paggasta ng mga pamilya-OFW ng natatanggap nilang padala.

MALAS NA TUWID NA DAAN

Minamalas din sa pulitik ang pangkat na Aquino sa pulitika.

Akalain ba nating kahit na inindorso na ni PNoy ang pambato niya sa pagka-Pangulo sa halalang presidential eleksyon, kulelat pa rin kahit sa anong survey.

Baka naman pairalin na lang ang hokus-PCOS sa sa bisa ng Precinct Count Optical Scan para maipanalo ang kandidato ng Tuwid na Daan?

Sana naman, hindi!

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>