IPAGPATULOY ang ginagawa nating pagbubulgar sa justice delayed, justice denied nagaganap sa hudikatura.
Nagulat ang nasabing lessee nang malaman niyang may naghahakot ng gamit mula sa loob ng bakuran ng bahay na inuupahan niya na isang closed van.
Kaya agad na ipina-surveillance niya ang lugar para madokumento ang mga sasakyan at taong lumalabas sa bakuran ng bahay at nakita nga niya ang pagpasok-labas ng Hyundai closed van na kahina-hinalang may takip ang mga plaka sa harap at likod nito.
Nasundan ng surveillance team ang van at nakita ang plakang PRI-738 ng tanggalin ng driver ang balot ng plaka habang nasa Damayan Lagi St.,QC bukod pa sa ebidensya na ibinababa ang ‘foaming agent’ na kasama sa inventory stock ng mga gamit ng lessee.
Kinahoy ang mga gamit para pagkakitaan.
Kaya pala hindi sinasagot ang mga sulat ng lesse para makuha ang naiwang gamit nito sa bodega.
Nagsumbong ang lessee kay Ch. Jigo at sa dating police ng Galas ngunit hindi man lang daw umaksyon ang mga ito.
Dahil sa walang aksyon sina chairman ang chief-of-police ng Galas ay muling nagpunta ang lessee sa bahay para matigil ang ginagawang pangungulimbat sa mga naiwan pa nitong gamit at nang makita ng una ang nakaawang na gate ng bakuran ay dagli itong bumaba sa kanyang sasakyan at nakita niya ang hauling van sa loob at naaninag niya ang plastik cover nito ang plakang nabanggit. (ITUTULOY)
BOOKIES SA MANILA PARAMI NANG PARAMI
Namamayagpag pa rin ang bookies ng karera (horse racing bookies) niJeff Concepcion sa Maynila.
Parami nang parami ang mga butas o puwesto ng bookies ng karera ni Jeff C. na nagsimula lang sa iilan pero ngayon ay sangkatutak na ito sa Manila.
***
Anomang reklamo o pu-na ay i-text lang sa 09189-274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA