Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SINUNGALING SI ABAYA – PISTON

$
0
0

NITONG nakalipas na linggo, nanawagan si Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya sa publiko na kailangan ipagpatuloy ang ‘Daang Matuwid,’ ang gabay ng administrasyong Aquino sa pamumuno at pamamahala sa bansa at pamahalaan, upang siguradong masolusyonan ang talamak na suliranin sa sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Hindi man diniretso, ang totoong gustong sabihin ni Abaya, iboto si Manuel “Mar” Roxas 2nd sa pagka-Pangulo sa halalang 2016 kung gusto ng mamamayang Filipino na matigil na ang suliranin sa sistema ng pampublikong transportasyon.

Ang sagot ni George San Mateo, pangulo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ay sinungaling si Abaya.

Idiniin ni San Mateo na ang PISTON ay hindi naniniwalang magwawakas ang problema sa sistema ng pampublikong transportasyon kung magpapatuloy ang ‘Daang Matuwid’ dahil palalalain pa nga raw nito ang mga problema.

Sabi ni San Mateo, ang talamak na problema sa pampublikong transportasyon sa siyam na taong panunungkulan ni Gloria Macapagal-Arroyo ay lumala pa nang husto sa nakalipas na limang taong panunungkulan ni Benigno Simeon Cojuangco Aquino III.

Hindi rin, aniya, naniniwala ang PISTON kay Abaya na si Roxas ang dapat maging Pangulo sa susunod na anim na taon dahil wala itong galang sa pamahalaan.

Biruin n’yo, deklaradong opisyal na kandidato ng administrasyong Aquino at ng Liberal Party (LP), pero ayaw umalis sa Department of Interior and Local Government (DILG), saad ni San Mateo.

Sa pananatili ni Roxas ay pihadong nagagamit niya ang pondo at mga kagamitan ng DILG sa pag-ikot (pangangampanya) sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Nitong Agosto 24, nasa Cebu si Roxas, kasama ang Pangulo, sa pagbibida sa mga nagawa umano ng administrasyon.

Agosto 23, nasa Cebu rin si Roxas kung saan tinalakay sa Cebu Normal University ang ‘Daang Matuwid.’

Noong Agosto 18, nasa Naga City, Camarines Sur ang kalihim kung saan tinalakay na naman ang ‘Daang Matuwid.’ (Itutuloy)

XXX
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271 o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com Bisitahin din ang: NSBADILLA.BLOGSPOT.COM BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>