Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAGKAISA LAHAT LABAN SA MEDIA KILLINGS

$
0
0

NAKAPANGINGINIG ng laman ang nagaganap na mga pagpaslang sa mediamen.

Nitong nakaraang dalawang linggo lamang, sunod-sunod na tinumba ng bala ng baril ang mga kasamahan at kapatid natin sa media na pawang brodkaster.

Sumalangit nawa ang kaluluwa nina Gregory Ybañez ng Tagum City, Teodora Escanillo ng Sorsogon at Cosme Diez Maestrado ng Ozamis City.

Kaunting buga pa ng bala ng mga mamamatay-tao, aabot na sa 40 mediaman ang napapatay sa ilalim ng Aquino administration.

KATARUNGAN

Hinihiling natin ang mabilis na katarungan para sa mga biktima ng media killings.

Una, makilala at madakip ang mga magkakasamang kumalabit ng mga gatilyo.

Ikalawa, makilala at madakip ang sinomang nasa likod ng bawat pagpaslang at panagutin sa batas.

Ikatlo, paano ang mga pamilya, asawa at anak na naulila ng mga biktima?

Ikaapat, paano rin ang pananagutan ng mga nasa pamahalaan na dapat ay aktibong nangangalaga sa buhay ng mga mamamayan ngunit nagiging pabaya o kasabwat ng mga gumagawa ng pagpatay sa mga batang media?

MABILIS NA AKSYON

Ang hinihiling natin ay mabilis na aksyon ng mga kinauukulan laban sa mga criminal.

Napakaraming pwersa ng pamahalaan laban sa krimen.

Pulis, military, National Bureau of Investigation, Criminal Investigation and Detection Group, CAFGU at marami pang iba.

Kung mayayaman at makapangyarihan ang mga biktima, napakabilis na kumilos ang mga ito.

Pero kung mahihirap ang mga biktima, napakababagal ang mga ito.

Ito ang dahilan kung bakit nagtatanong tayo ukol sa pananagutan ng mga nasa pamahalaan tuwing may nagaganap na pagpaslang sa mediamen.

Sa rami ng mga pagpaslang, mabibilang sa daliri ang mga naresolba.

‘Yun bang === bibihira ang nadadakip na triggermen at lalong mas madalang ang mga naituturing na utak.

NAGMAMALAKI

Panay ang pagmamalaki ng pamahalaan ukol sa mga nagagawa nito.

Nagagawa nitong maging mayaman ang pamahalaan, ayon sa mga pahayag nito sa mga maagang kampanya para sa halalang 2016.

Nagagawa rin nitong magpakulong ng mga kalaban nito sa pulitika sa ngalan ng Tuwid na Daan.

Nagagawa rin nitong hangaan umano ng mga dayuhan dahil nagbabagsakan na umano ang ekonomiya ng iba, ang Pinas ay hindi lang matatag kundi paangat nang paangat.

Lahat umano sa bisa ng Tuwid na Daan.

WALANG SAYSAY

Pero ang lahat ng mga pag-unlad na sinasabi ng pamahalaang ito ay nawawalan ng saysay sa walang habas na pagpaslang sa mediamen.

Ang pagpaslang sa mediamen ang isang malaking sukatan ng Tuwid na Daan.

Kapag pinapaslang ang mga nagbabantay at nag-uulat ukol sa mga pang-aabuso sa kapangyarihan at korapsyon ng mga nasa pamahalaan, para ano pa ang Tuwid na Daan?

Ang Tuwid na Daan ay para na lang sa paghahari sa mahal kong Pinas ng mga abusado at korap.

Sinasabi natin ito dahil sa record na binubuo ng nasa 60-70 porsyento ng pagpatay sa mediamen ang kagagawan ng mga nasa pamahalaan.

PULITIKA DUMURUMI

Habang palapit nang palapit ang halalang 2016, nakatatakot isiping madaragdagan pa ang napakarami nang pinapatay na mediamen.

Simple lang ang maliwanag at makatotohanang dahilan, mga Bro.

Anak ng tokwa, gumagawa ng mga pang-aabuso sa kapangyarihan at korapsyon ang mga nasa pamahalaan, kapag naiulat ang mga ito ng mediamen, ang huli ang kanilang pinatatahimik hanggang sa kamatayan.

Kapag darami ang mapapatay na mediamen sa mga darating na araw, aasahan natin na konektado ang mga ito sa parumi nang paruming pulitika.

Hindi na lang siraan ng mga politiko ang nagpaparumi ng pulitika.

Dumurumi ito dahil sa ugali na ng mga politiko na ipakulong at ipapatay ang kanilang mga kalaban at dito nadadamay ang mediamen.

PARA SA MEDIAMEN

Ano-ano ang mga dapat gawin ng mediamen para labanan ang mga pagpaslang.

Una, dahil na rin sa katotohanang pinapatay tayo, dapat na magdala tayo ng mga pandepensa sa sarili.

Ikalawa, bigyan pa rin natin ng tiwala ang mga alagad ng batas, sa kabila ng ating mga pagdududa, ukol sa kung anong magagawa nila para sa ating kaligtasan.

Iulat natin sa kanila ang mga pagbabanta sa ating buhay at kunin ang mga kontak number nila para sa mabilisan nilang pagkilos sa oras ng ating kagipitan.

Ikatlo, dapat naririyan pa rin ang todo pag-iingat natin at dapat na isama sa mga iingatan natin ang ating mga pamilya.

Ikaapat, ilahad sa ating mga kasamahang mamamahayag ang ating kalagayan, lalo na ang mga pagbabanta sa ating buhay.

Dapat tayong magtiwala na kikilos ang lahat na mediamen laban sa paglabas ng sungay ng kamatayan.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>