Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GO, HIGHWAY PATROL GROUP

$
0
0

SAPUL pa lang nang maupo sa Malacañan si Don Benigno Aquino III (BSA3) ay hindi ko na mabilang ang panawagan na ibigay ang pamamahala sa madugong trapiko sa Metro Manila at mga kauring lungsod-urban sa bansa.

Para sa iyo, DOTC JUN ABAYA, ang malalang trapiko ay nakamamatay, hindi lang ng tao kundi sa ekonomiya ng buong bansa! (BTW Sec. JUN, sino ang maswerte mong binigyan ng P4.3-bilyon na kontrata sa MRT3?)

Go PNP Highway Patrol Group. Patunayan ninyo na sa ngalan pa lang ng inyong ahensya na kayang-kaya ninyong ayusin ang problema ng nakamamatay ng tao at lipunan na trapiko sa buong bansa, lalo na ang EDSA at buong Metro Manila.

Kailangan ang todong suporta ninyo, PNP Chief Ricardo Marquez at NCRPO Acting RD Joel Pagdilao.

Ang HPG ay mahaharap sa malahiganteng sindikato ng transportasyon, lalo na ang organisadong OTSO-OTSO Bus syndicate. Hindi biro ang grupong ito, General Marquez, Sir, at RD Pagdilao, Sir.

Ilang beses na nating napatunayan na kayang-kaya nilang magpaalis ng matino, maayos at matinong HPG Chief. Laki ng pondo!

P200 kada araw ang kinokolekta sa 16 libong bus sa Metro Manila. 8-libo ang kolorum na kinokolektahan ng P1 libo kada linggo at sa pagtatapos ng taon ay P60-libo para sa kabit-linya kuno.

May calculator ba kayo? Matindi ang payroll book ng sindikato. Mula sa tanggapan ng Chief PNP, HPG, pababa. DOTC, LTFRB at LTO sa East Avenue at MMDA sa Orense. Finally, lingguhan naman para sa mga hepe at opisyal ng local traffic enforcers!

Ganyan katindi ang venom ng OTSO-OTSO. Kaya tingnan ninyo kung papaano sila magsakay at magbaba sa mga bawal na lugar.

Mangitlog sa paradahan na animo walang pasahero na nagmamadali ring makauwi o magtungo sa trabaho.

Mula Baclaran, Guadalupe, Shaw, lalo na sa Cubao, Munoz, Balintawak, Monumento, etc., wow na wow. Parang bulag, pipi at bingi ang MMDA sa kanila. Sinoman ang manita, tanggal agad sa puwesto.

Right, Mr. Francis Tolentino et al? Pero sabi nga, lahat ng pang-aabuso gaano man katagal ay natatapos din. Naniniwala tayo na kaya ng HPG na baklasin ang masikip at itlugan ng mga pampasaherong bus lalo na.

Baklasin ang mga iligal na terminal, lalo na sa jeepney, katulad sa Visayas Avenue-Tandang Sora, QC; Leon Guinto sa Maynila; Boni sa Mandaluyong; Munoz sa QC; Balintawak, Monumento at sa lahat ng kanto’t sulok ng Metro Manila.

Kaya ninyo iyan. GO PNP HPG!!! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.