ILANG buwan na lamang ang nalalabi sa isang taon ay abala na naman ang mga botante sa pagpili ng kani-kanilang mga mamanukin sa 2016 National election.
Pero ang mabigat dito, hindi pa man tapos ang termino ni Pang. Noynoy Aquino sa taong 2016 ay may ilang nasa gobyerno ang sinasalaula na ang mga proyekto ng gobyerno.
Gaya na lamang ng reklamo na itineks sa atin ng isang concerned citizen ng Negros Occidental ukol sa hindi pa naibibigay na 4P’s ng mga miyembro.
Basahin natin ang nilalaman ng text sa atin.
Magandang araw si Johnny, lalong-lalo sa lahat ng mga kasamahan mo sa Remate.
I-report ko lang ang nangyayari rito sa amin sa Calatrava, Negros Occidental.
E, malapit na po kasing mag-apat na buwan na hindi nakatatanggap ang mga miyembro ng 4P’s.
Una po ay okey ang pagbibigay dahil at least ito ay malaking tulong sa katulad naming mlga mahihirap.
Ang masakit, sa katalagalan, Sir Johnny, ay hindi na nakatatanggap kaming mga miyembro nito.
Saan na kaya napunta ang budget dito na inilaan ng gobyerno para sa mga mahihirap? Salamat.
Hoy, huwag ninyong ibulsa ang pera para sa mga mahihirap.
Tangna n’yo. Hehehe.
UTOPIA SA QC IBA ANG MINAMASAHE
Grabe ang bentahan ng laman sa UTOPIA Massage Parlor sa Timog, Quezon City.
Ibang klaseng ang serbisyo sa ginagawang pagmamasahe ng mga attendant sa parlor na ito.
Hindi lang katawan ng kostumer ang minamasahe ng mga masahista sa parlor na ito kundi pati ang ‘manoy’ ng kostumer.
Aba, para nga naman kapag nagalit si ‘manoy’ ay extra-service at ‘entutan blues’ ang patutunguhan.
Pader daw ang massage parlor na ito kay QCPD DD Gen. Edgardo Tinio.
o0o
Ano mang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


