BIGYAN naman po natin ng pagkakataon na maihayag ng ating mga tagasubaybay ang kanilang mga saloobin, nalalaman, reklamo at iba at heto po sila.
AKSYON VS VALISNO
Hindi nama makatarungan ang ginawa ng LTFRB na pagsuspinde ng lahat ng bus ng Valisno nang isang unit nito ay bumangga at nakaaksidente na ikinamatay ng apat katao. Bale nagpapahiwatid na ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat.
Ang resulta, sa ginawa ng LTFRB na pagsupinde sa lahat ng Valisno bus ay tinanggalan lahat ng trabaho ang mga driver at konduktor at inspektor. Pati na ang mga pamilya nila ay nadamay at nawalan ng income. Sobra naman itong ginawa ng LTFRB, hindi makatao at makatarungan. 0930…
PUNA SA SMC
Gandang araw po, sir. Gusto ko lang ipaabot ang puna sa mga taga-SMC.
Masyado silang maramot para ipahiram ang mga player na maglaro para sa bayang Pilipinas. At ‘yang si June Mar Fajardo, ang daming paeklat niya. Sana makarma sila. Tagasubaybay po ako ng ULTIMATUM araw-araw.
Sana po mai-publish niyo ito. 0906…
SUMBONG SA BIR, DTI
Good day, sir. Nais po naming maiparating kay Ma’am Kim Henares at sa Department of Trade and Industry na may isang klase ng sigarilyo na ibinebenta sa mga grocery na sakop ni Bgy. Chairman Ronnie Santos, ng Poblacion, Bocaue, Bulacan, lalo na sa New Bocaue Public Market na nasa Bgy. Caingin, Bocaue na sakop naman ni Bgy. Chairman Jack Pascua.
May tatak ang sigarilyo na “Alpine Menthol” na nakasilid sa green at red carton. Smuggled po ito at walang BIR stamp. Made in Korea po ito.
Thanks po. Concerned citizen. 0932…
MUNGKAHI SA EDUKASYON
Base sa inyong artikulo, sinasabi ninyo na napakarami ng out-of-school youth at children sa bansa. Kung ako po ang inyong tatanungin, ano po ang isang bagay na kongkretong nagawa na ng inyong ahensiya o pahayagan para maabot at matulungan ang mga ito?
Sa ating bansa po kasi, napapansin kong ang daming pwedeng maitulong ng mga tao na may kakayanan pero walang ginawa kundi mambatikos pero wala namang naitutulong.
Kagaya ng pag-iisponsor sa mga mahihirap. Kung lahat ng mayayaman ay magtutulungan maganda. ‘Di naman lahat ay pwede nating iasa sa ating gobyerno.
Ako po ay simpleng mamamayan din pero sa sarili kong pamamaraan, nagpapaaral ako, ‘di lang ng aking dalawang anak kundi ng mga deserving na matutulungan. At hindi ko ito isusumbat sa gobyerno dahil isa po ito sa gusto kong maitulong sa ating bansa. Baka po naghahanap rin kayo ng pwedeng matulungan. Marami po akong maibibigay sa inyo na pwedeng paaralin at maging produktibong Filipino. Salamat po. 0939…
MAG-INGAT
We must evaluate very carefully our candidates. Those endorsed by the majority of the poor Filipinos are the best leaders. But candidates backed up and financed by lords and powerful figures are very dangerous. Mark my words. Thanks! 0926…
GRACE, CHIZ MAG-INGAT
Kung sumanib-pwersa sina Grace Poe at Chiz Escudero kina Mar Roxas na siya namang inendorso ni Aquino sa pagka-Pangulo, siguradong bagsak sina Grace Poe at Chiz Escudero.
Ngitngit na sa galit ang taumbayan sa mga kagagawan ng pamahalaang Aquino sa inang bayan. Puno na ng korapsyon ang ating inang bayan, lalo na sa Napoles Scam na piling-pili lang nina Aquino ang kinakasuhan.
Katunayan ay kasama sina Aquino, Abad at ang kanilang mga kaalyado pero ‘di sila nakasuhan.
Isa pa, ang pagkamasaker ng 44 PNP SAF na maliwanag na galing kay Aquino through Purisima ang order ay binabalewala ng mga nag-iimbestiga ‘pagkat kaalyado nila. 0930…
PUBLIC SERVICE
Public service po. Takot at pangamba ang nararamdaman ng mga magulang para sa kanilang mga anak na nagsisipag-aral dito sa compound ng St. Martin Parish Church, Bocaue. Isang alyas Boy Ligaya na may diperensiya sa pag-iisip ang may mahigit dalawang buwan nang namamalagi sa nasabing compound.
May 5’5” ang taas, 28-years old, bigotilyo at may tato sa kaliwang braso. Sakop ni Father Albert Suatengco ang compound at nina Kap. Ronnie Santos at Kagawad Raquel V. Halili, ng Bocaue, Bulacan.
Hiniling nila na ilipat ito sa tamang institusyon para hindi matakot ang mga anak sa ikinikilos nito sa loob ng compound. Napag-alaman ng mga magulang na gumagamit ito ng bawal na gamot. Nagbabasag ng imahe kapag ito’y sinusumpong.
Panawagan nila sa DSWD, kay Fr. Suatengco at barangay officials na ilipat na ito para sa kaligtasan ng mga batang nag-aaral. Thanks! Casper, ng Bulacan. 0923…
CONGRAT, GILAS PILIPINAS
Congrats, Gilas Pilipinas for winning the game recently by 14 pts., 85-71, against powerhouse Russian team-B. We were lucky even if Hontiveros had 5 bad shots because the Russians missed many outside shots. I hope the coaching staff will maintain the concept of off-day/night players, no play and lucky players must play all they can from the 1st to 3rd quarter until the 4th quarter. The strongest and luckiest combination must play until the end.
Good luck for tomorrows’ games. Thanks. 0926…
o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA