Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

10 ‘CALOOCAN KIDS’ NAWAWALA

$
0
0

ALAM n’yo ba na noong Hulyo 29 ng taong kasalukuyan ay mayroong 10 bata o menor-de-edad ang tumakas mula sa “holding center” ng Caloocan City Social Welfare and Development (CSWD).

Ang 10 ‘Caloocan Kids’ ay bahagi ng 22 menor de edad na matagal-tagal na ring ‘naninirahan’ sa holding center ng CSWD dahil sa kinahaharap na mga kasong kriminal na isinampa sa korte.

Tumakas ang mga bata na kung tawagin ay “children in conflict with law (CCL)” gamit ang lagareng bakal.

Ibig-sabihin po ng CCL ay mga batang may kasong kriminal na dinirinig sa korte.

Alinsunod sa batas, inilagay muna sila sa holding center, sapagkat wala pa sa hustong gulang o 18-taong gulang pataas.

Hanggang sa sinusulat ko ang kolum na ito, hindi pa rin sila naibabalik ng mga tauhan ng CSWD na pinamumunuan ni Roberto Quizon.

Katulong na ng pamahalaang lungsod ang pulisya ng Caloocan na pinamumunuan ni Senior Supt. Bartolome Bustamante sa paghahagilap sa 10 bata.

Ngunit, hindi pa rin sila nakukuha hanggang sa kasalukuyan.

Hindi pa rin sila natatagpuan ng kani-kanilang mga magulang.

Bakit kaya sila tumakas?

Paliwanag ni Nolan Sison, hepe ng Public Information Office ng Caloocan, tiyak na ang mga batang nagsitakas ay inaalagaang mabuti.
Ang 10 bata ay hindi itinuturing na mga kriminal o pusakal, kaya sila ay inilagay sa holding center ng CSWD, diin ni Sison.

Tinanong ko kung sino ang nagsabing ‘inaalagaang mabuti’ at ‘hindi kriminal kung ituring ang mga bata’, si Mayor Oscar “Oca” Malapitan po, sagot ni Sison.

Kahit sino ang kausapin mo sa CSWD ay parehas ng sinasabi ni Sison ang paliwanag, maliban kay Quizon dahil hindi makausap ang taong ito sapagkat masyadong abala raw ang taong ito.

Tumawag ka ng 8:00 A.M. wala pa si Quizon.

Tumawag ka ng 9:00 A.M. wala pa rin si Quizon.

Tumawag ka uli pagkalipas ng ilang minuto, sayang nakaalis na si Quizon at nagtungo sa Caloocan North, sabi ng babae mula sa CSWD.

Kung inaalagaang mabuti at mahusay ang pagtrato sa mga bata, bakit sila nagsitakas?

Dapat paimbestigahan ito ng Sangguniang Panglunsod na pinamumunuan ni Bise-Alkalde Macky Asistio upang (a) matumbok ang tunay na dahilan, (b) hindi na maulit ang pagtakas, at (k) makapagbalangkas na rin ng programa upang mapabuti at maiangat ang pangangalaga ng CSWD sa mga batang CCL.

XXX
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271 o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com o bisitahin ang: NSBADILLA.BLOGSPOT.COM BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>