Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NINGAS KUGON O TASK FORCE PAKILALA

$
0
0

NAGSISIMULA nang magpakitang-gilas kina Quezon City Mayor Herbert Bautista at QC Police District director C/Supt. Edgardo Tinio ang hepe ng Masambong Police Station na si Supt. Christian dela Cruz.

Naging masipag ang mga tauhan niya sa pagsasagawa ng checkpoint at panghuhuli ng mga suspek sa nakawan.

Ang ilang suspek sa robbery holdap ay agad na ipriniprisinta sa kanilang bosing at sa mga mamamahayag.

Maganda naman ang ginagawa ni dela Cruz dahil para sa ikaaayos ng kapayapaan at kaayusan ng kanyang nasasakupan ang kanyang prayoridad.

Lamang, hindi kaya “ningas kugon” lang ang kanyang ginagawa para lang magpa-impress sa mga kinauukulan tulad ng ginawa niya sa Manila Police District?

O kaya naman ay “task force pakilala” sa mga iligalista tulad sa kanyang lugar upang magkaroon ng lingguhang payola at tara?

Sana ay hindi naman totoo ang mga sinasabi ng mga kakilala niya sa Maynila na may mga alaga siyang holdaper at snatcher na lingguhang nag-uulat sa kanya?

Sa madaling salita, nagbibigay sa kanya ng extrang kita maliban sa sinusweldo niya mula sa gobyerno.

Naku, huwag naman sanang madala sa QC dahil maganda ang layunin ng alkalde ng lungsod sa kanyang mga residente. Nais ni Mayor Herbert ang matahimik at maayos na pamayanan para sa kanyang mga mamamayan.

Sabi naman ng isang opisyal sa Camp Karingal, malakas daw kay Mayor Bautista ang pamato ni Dela Cruz kung kaya’t walang kahirap-hirap na nakapuwesto ito sa Masambong Police Station.

Sana lang, hwag magamit ni Dela Cruz sa kanyang ambisyong sumikat kaagad ang puwesto niya sa kasalukuyan sapagkat hindi naman siya ang lubhang maaapektuhan subalit ang padrino niya na nagrekomenda sa kanya at sina Mayor Bautista at Gen. Tinio.

Sabagay, marami ang nananalangin na madulas si Dela Cruz para maagaw nila ang puwestong naibigay rito nang walang kahirap hirap dahil magaling siyang gumapang. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>