Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAR, FRANCIS PALPAK NA MGA TRAFFIC CZAR

$
0
0

IMPIYERNO na talaga ang trapik sa Mega Manila. At kung may saglit na buhos ng ulan, mas grabe pa.

Sa gitna ng kalagayang ito, ano-ano ba ang mga dapat na gawin ng mga kinauukulan?

At ano-ano rin ang mga pupwedeng gawin ng mga mamamayan?

FRANCIS, MAR PALPAK

Palpak na palpak ang pagiging traffic czar ng dalawang pinuno ng pamahalaan na sina Sec. Mar Roxas, ng Department of Interior and Local Government at Chairman Francis Tolentino, ng Metro Manila Development Authority.

‘Yun bang === kahit sila na mismo ang gumigitna sa mga lansangan para mag-ayos ng trapik kahit saan sa Metro Manila, wala ring nangyayari.

Palibhasa, ang pagtatrapik ng mga ito ay for show dahil may karay-karay silang taga-media para maipakita ang kanilang galing bilang mga traffic czar.

‘Yun pala, kakandidato ang mga anak ng tipaklong sa pambansang posisyon sa halalang 2016.

Hehehe! Hindi na nakatatawa, mga Bro. Hehehe!

Sa huli, nag-deploy na sila ng Highway Patrol Group pero 30 segundo lang ang pag-iisyu ng tiket ng mga ito at dapat bisibol ang mga ito para malayo pa lang ay alam na ng mga motorista kung nasaan sila.

Hindi ‘yung kukuha ng lisensya ng tsuper, tapos maglalakad nang malayo at bababa at hahabol na lang ang tsuper kung saan nagtatago sa ilalim ng puno o tulay ang HPG.

VIP VS AMBULANSYA

May napansin lang tayo, mga Bro.

Sa nararaanan natin na talagang matatrapik na lugar, may mga escort na traffic police ang mga VIP o very important person kung tawagin.

Nagwawangwang na ang mga traffic police, nanghahawi at nanghaharang pa sila.

Walang trapik. Pero ang mga ambulansya, bahala sila sa buhay nila.

Wala lang, basta dapat na sumunod ang mga ito sa nakahinto na sasakyan sa harapan at tagiliran nila.

Pero ‘di na kailangang utusan ang mga tsuper ng ibang sasakyan… nagbi-bigay sila ng daan… kung gagalaw ang trapik.

MAY PERA SA TRAPIK

Nasaan ang ibang daanan o alternatibong ruta kung tawagin kung matatrapik ka?

Para sa mga pribadong sasakyan na maliliit at taksi, oks lang na dumaan kahit saan.

Pero para sa mga pampasaherong sasakyan, nasaan ang mga daan na ‘yan?

Anak ng tokwa, kapag humiwalay ang mga ito sa ruta at gumawa ng paraan na makahulagpos sa trapik, bigla na lang susulpot ang mga naniniket na traffic enforcer at police na titira ng “out of line” na violation kuno at libo-libo ang multa rito, mga Bro.

Magkano ang 20 porsyento nila na komisyon sa “out of line?”

‘Yang batas sa truck ban din sila tumitipak kung daraan ang mga truck para umiwas sa trapik dahil libo rin ang multa rito.

Wala sa matatrapik na lugar ang mga pulis at traffic enforcer kundi sa mga pinapasukan o nilulusutan ng mga motorista para magkapera.

EDUKASYON, DISIPLINA

Sa EDSA, may mga palatandaan ng kontrol sa mga sasakyan gaya ng mga zipper lane, yellow lane, bus stop, pedestrian lane at iba pa.

Sa ibang mga kalsada, wala nito pero ang sentido kumon ang dapat na pairalin.

Lahat para sa maganda sanang daloy ng trapiko.

Pero kitang-kita rin ang kawalan ng disiplina at edukasyon sa daan.

May mga bus, jeepney at taksi na tabi-tabi kung huminto habang nag-aantay ng pasahero hanggang sa magbara na ang daan.

May mga nag-uunahan sa mga U-Turn hanggang sa magkumpol-kumpol ang mga ito at mabarahan ang daan.

At nagaganap ang mga ito kahit pa may mga pulis at traffic enforcer, pero mas grabe sa gabi na wala ka nang makitang enforcer o pulis o MMDA.

Sa harapan ng SM North sa EDSA, anak ng tokwa, regular naman ang mga patrol ng pulis at MMDA na sila mismo ang nakaharang sa mga daanan ng mga pampasaherong sasakyan.

Ano-ano ang mga gagawin dito?

MAG-ANTAY SA 2030

Sabi ng taga-MMDA, mag-antay na lang sa 2030 na paglalatag ng maayos na plano at programa laban sa trapiko.

Sa rami umano ng ginagawang proyekto ng Department of Public Works and Highways na matatapos sa 2030, hirap umano ang gobyerno sa paggawa ng mga plano at programa laban sa trapik.

At may pahabol na importante, kailangan daw kasing manatili hanggang sa 2030 ang Matuwid na Daan para maging ayos ang lahat sa huli.

Anak ng pitong putakte, aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kalabaw?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>