NGAYON ay bigyan natin ng daan itong reklamo ng isang concerned citizen ng San Andres, Catanduanes karamihan umano sa mga empleyado ng bayang ito ay gumagamit ng droga.
Hindi ko alam kung gaano katoto ito, pero totoo man o hindi ang bintang, hindi dapat balewalain ito.
Basahin natin ang nilalaman ng text message.
Magandang umaga, Ginoong Juan de Sabog.
Pakisabog n’yo naman ang bayan ng San Andres, Catanduanes.
Karamihan sa 11 bayan ng probinsya namin ay may mga adik na empleyado batay sa randon drug testing na isinagawa at kasama na rito ang San Andres.
Pero ewan ko rito kay Mayor Peter Cua, ng San Andres, kung bakit nagbubulag-bulagan dito at ‘di sumasali sa drug testing ang munisipyo nito.
Ang usap-usapan sa bayang ito ay siguro may ayaw mabawasan ng kita sa negosyong droga.
Ano ba ‘yan, Mayor Cua?
Totoo ba ang text message na natanggap naman na tanging ang inyong munisipyo lang ang kaisa-isa na hindi pa nagpapa-drug test sa mga empleyado nito?
Bakit? (Ang sarap yatang mag-trip) He..he..he..he!
BOOKIES STL NI KAP ‘DI GINAGALAW
Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin tumitigil ang operasyon ng bookies ng STL ni Kap. Ado sa Bgy. Sta Maria, Sto. Tomas sa Batangas.
E, paano, hindi kumikilos ang mga lespu riyan dahil sila mismo ang nakikinabang at nabubundat.
Sa halip ay ang pangongotong ng kolektor na si Ryan Bacordo ang pinoproteksyunan.
Halos lantaran na raw ang ginagawang pangungubra ng mga kubrador ni Kap. Ado sa mga mananaya.
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA