Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SAKIT NA DENGUE DAPAT PAGTULUNGANG TEPOKIN

$
0
0

SINASABING puno ang mga pampublikong ospital sa maraming lugar sa mahal kong Pinas.

At alam ba ninyo ang pumupuno sa mga ito, mga Bro?

Mga tinatamaan ng dengue.

Karaniwan nang tuwing dumarating ang tag-ulan, dumarami ang nagkakasakit ng dengue dito nagiging aktibo ang mga lamok na may dala-dala ng sakit na ito.

Kahit pa ngayong dumating ang El Niño na nakikipagpatintero sa tag-ulan.

BULACAN, NEGROS, ETC.

Ang lalawigan ng Bulacan at ilang siyudad sa Negros ang humihiyaw sa paglaganap ng dengue ngayon.

Pero hindi nagpapahuli ang Metro Manila.

Maryoon na ring ibang lugar na tinatamaan ng paglaganap ng dengue pero itinuturing na hindi pa malala.

Subalit mabagsik ang dengue kaya naman hindi dapat tayo magrelaks.

Ipagpalagay na lang natin na panahon na talaga ng dengue at maaaring tamaan tayo anomang oras.

Alalahanin na walang sinisino ang dengue.

Mayaman, mahirap, bata, matanda, lalaki, babae.

Kahit sina Alden at Yaya Dub ay maaaring matamaan din hanggang sa hindi na silla tuluyang magkita nang malapitan, mag-kiss sa screen ng telebisyon at magkawayan sa isa’t isa.

PAG-IINGAT, PAANO?

Magandang makipag-ugnayan tayo sa mga barangay health center at sa mga pamahalaang barangay na ating kinapapalooban, mga Bro.

Kung may mga ospital at doktor sa paligid, maaaring doon tayo kumonsulta.

Doon tayo magtanong kung ano-ano ang mga hakbang na pupwede nating gawin laban sa sakit na ito.

Ang mga barangay health center at pamahalaang barangay ay may mga gamit laban sa paglaganap ng sakit.

May kasanayan din ang mga ito na magbigay ng impormasyon ukol at laban sa sakit.

Makatutulong din ang mga ito para madala ang maysakit natin sa mga doktor at ospital.

Ang mga doktor at ospital naman ay dapat nating malaman kung may kakayahan ang mga ito na mag-asikaso sa atin.

May mga karanasan kasi, mga Bro, na ang doktor at ang ospital na pinupuntahan natin ay hindi pala sadyang para sa dengue ang mga kakayahan at gamit.

At inginunguso tayo sa ibang mga doktor at ospital, pero sisingilin ka muna dahil doon ka unang tumakbo sa kanila at magpatulong.

Sila pa ang una mong pag-ingatan kaysa ang sakit mismo.

Peksman.

MAG-MEMORIZE

May mga sinasabi ang mga doktor na itsura ng mga lamok na may dalang dengue, kasama na ang mga kinakapitan at iniitlugan at oras ng pag-atake ng mga ito.

Kung mayroon na tayong nakita na tila lamok-dengue, diyan na natin gamitin ang mga itinuturo sa atin na mga gagawin.

Isa na rito ang paglilinis sa kapaligiran, lalo na ang mga iniitlugan at pinagtataguan ng mga lamok-dengue.

Kung sa palagay natin ay naglipana na ang mga ito, aba, tumawag na tayo ng mga mambobomba sa ating lugar o kapaligiran.

At lalong kumilos tayo kapag mayroon nang itinakbo sa ospital na miyembro ng ating pamilya o kapitbahay.

P40K-OSPITAL; P50K-FUNERAL

Sa ibang salita, mga Bro, huwag nating antayin na may maospital sa atin o kakatok sa pintuan natin ang mga nagtitinda ng kabaong at nag-eembalsamo.

Anak ng tokwa, sa hirap ng buhay ngayon, aabutin ka ng gutom sa singil ng mga doktor at ospital ‘pag nagkasakit ka sa dengue.

Sa mga mahihirap, suwerte na kung P40-mil lang ang sisingilin sa iyo ng ospital at doktor.

At mapalad ka na rin kung sisingilin ka ng punerarya ng P50-mil lang para sa iyong pagyao.

Eh, ang totoo, kapag itinakbo ka sa mga mamahaling ospital at mamahaling punerarya, daan-daang libo hanggang milyon ang gagastusin mo na ikapupulubi ng iyong mga balo at ulila.

Baka susunod naman sila sa iyo sa sakit sa puso, high blood at gutom.

Kawawa pati ang mga nagpapasaklang-patay para sa iyong panggastos sa lamay.

BADYET PARA SA PASYENTE

‘Pag panahon talaga ng dengue, umaabot ang mga pasyente sa mahigit 100,000 katao taon-taon.

Ang malaking probela rito ay karaniwang mahihirap na pamilya ang mga tinatamaan.

‘Pag tinamaan ang isa o dalawa lang sa pamilya, bagsak na ang kabuhayan ang mga ito at kung kani-kaninong sanot na lang sila nagdadasal para magpatulong sa kawalan ng maitutulong naman ng kanilang mga kamag-anak at kapitahay.

Dito na lumilitaw ang pangangailangan ng mga mamamayan sa ayuda ng pamahalaan.

Ang tanong ngayon: kumusta na ang paghahanda ng pamahalaan upang ayudahan, lalo na ang mga mahihirap na biktima ng sakit?

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>