Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY MASAKER AT MARDER NA, MAY RAPE PA

$
0
0

TUWING may mga napapatay na mediaman, mga Bro, nanginginig ang ating mga laman.

Tila ‘di na umiiral ang batas na kung may reklamo ka sa isang tao, gaya ng isang mediaman, magsampa ka ng kaso.

Ang nangyayari, sa gatilyo ng baril nagsasampa ng kaso ang mga anak ng tipaklong na mamamatay-tao at hindi sa piskalya at husgado.

At ang masakit, mga Bro, walang gaanong hustisya ang nakakamit ng mga biktima.

Pailan-ilang lang ang mga nagtatagumpay sa kaso pero hindi tayo nakasisiguro dahil sa Regional Trial Court pa lang may mga conviction at wala pang nasesentensyahan nang pinal ng Supreme Court.

MASSACRE SA SURIGAO

Ngayon naman ay massacre at murder sa mga Manodo at Lumad sa Surigao.

Minasaker umano ng mga grupong inarmasan ng mga sundalo ang mga Manobo na sina Mateo Samia, 72, magkapatid na Wilmer and Elmer Simena, Ibe Samia, at 14-anyos na si Kadong Samia.

Pinatay rin ang magkapatid na Crisanto and Ellie Tabogol.

Nilaslas ang lalamunan at pinagsasaksak din ang premyadong titser na si Emerito Samarca, executive director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development or ALCADEV, isang pangtribung iskul, gayundin sina Dionel Campos, chairman ng Malahutayong Pakigbisog Alang Sa Sumusunod or MAPASU, at pinsan nitong si Bello Sinzo.

TURUAN

Nagturuan ang mga militar at militia ng mga ito at New People’s Army kung sino ang may kagagawan sa mga patayang ito.

Subalit lumalabas na ang mga militar at militia ang may kagagawan dahil sa paglabas ng mga testigo rito.

Pinalabas noong mga unang araw na ilan sa mga ito ang NPA pero habang nagtatagal, mga Bro, hindi pala toto.

Nalito pa nga ang isang United Nations rapporteure na nag-imbestiga rito kamakailan kung sino talaga ang mga may kagagawan.

LIBO-LIBONG NAGBAKWIT

Ngayon ay kawawa ang mga sibilyan na Manobo at Lumad sa kanilang kalagayan.

Umaabot sa 3,000 sa mga ito ang nasa mga evacuation center at mayroon na ngang namatay na batang babae.

May mga nagkakasakit na rin at ang masakiot dito, wala na sa normal na pamumuhay ang mga mamamayang ito.

Sana makipagtulungan ang mga militar o mismo ang gobyerno sa paghahanap ng katotohanan at umamin sa mga krimen kung totoong sila ang may sala sa mga pagpatay.

Pero siyempre, dapat nilang ilutang ang kanilang mga tauhan na gumawa sa mga krimen na ito para sa pagkamit ng katarungan at kapayapaan na rin sa buhay ng mga naulila at ang kanilang mga komunidad.

14-ANYOS, NI-RAPE

Habang nagaganap ang mga pagpatay at pagbabakwit ng mga mamamayan, heto naman ang balita na nang-rape ang dalawang sundalo sa Davao del Norte ng isang Lumad na dalagita.

Kinilala ang mga sundalo na sina alyas Galot at Daniel na miyembro ng 68th Infantry Battalion.

Lumabas ang balitang ito habang dinirinig ng Kamara ang panukalang badyet para sa Armed Forces of the Philippines.

Pinaiimbestigahan na ni Congressman Pong Biazon sa Committee on Human Rights ang kaso.

MAKABAGONG AFP

Para maging moderno o makabago umano ang AFP, para mapairal ang kapayapaan sa loob ng bansa at para masangga nito ang mga puwersang panlabas na banta sa mga teritoryo at seguridad ng buong bansa mula sa mga dayuhan, humihingi ngayon AFP ng malaking badyet para sa taong 2016.

Dapat lang talaga na magkaroon ng mga makabagong armas at iba pang kagamitan ang ating militar mula sa sundalo hanggang sa mga nasa air force at navy.

Hindi naman pupwedeng pawang mga lumilipad na kabaong ang eroplano at helikopter ang air force.,

Hindi rin pupwedeng pinaglausan sa Vietnam war ang mga baril ng mga sundalo.

At hindi naman pupwedeng galing sa junkshop ang patrol boat at barko ng navy.

‘WAG GAMITIN SA FILIPINO

Pero kapag naging makabago na ang mga gamit ng ating mga kasundaluhan, air force at navy, hindi dapat na ang mga mamamayan ang unang makakatikim ng bangis o libog ng mga ito.

Dapat sa mga tunay na banta sa seguridad ng mga mamamayan at buong bayan gamitin ang mga armas at buhay ng mga militar.

Nakita nating may puso ang militar noong si Pong Biazon ang pinuno ng Philippine Marines.

May kinasangkutan noon ang Philippine Marines na massacre sa Luzon at believe it or not, inako ni Gen. Pong ang responsibilidad.

Dahil diyan, kahit maglakad si Gen. Pong sa gitna ng kagubatan na may rebeldeng NPA, hindi ito maaano.

Paano kaya magkakaroon ang AFP ng karampatang respeto at hindi takot mula sa mga mamamayan?

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>