Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PARTIDA PARA KAY NOYNOY

$
0
0

HUWAG naman kayong masyadong maganat sa umiiral na taktika ng administrasyon ni Noynoy laban sa nagkahetot-hetot na daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Kasisimula pa lang naman ng mga operatiba ng Highway Patrol Group o HPG sa EDSA kaya marapat lang naman na bigyan pa natin sila ng sapat na panahon.

Ika nga ng mga nakatatanda ay nanganganay pa ang PNP-HPG lalo na’t nakahihilo ang ginawang polisiya na ito ni Noynoy. PNP-HPG na raw ang mando pero may nagsasabi na MMDA pa rin ang may mandato.

Kapag kausap mo naman ang ibang tuta ni Noynoy ay sinasabi naman nila na tulung-tulong na ang mga ahensiya rito tulad ng MMDA, PNP-HPG, LTO, LTFRB at mga lokal na pamahalaan.

Sa maikling kwenta, marami ang bida rito! Pero ang mga operatiba ng PNP-HPG ngayon ang nakabilad sa galit ng taumbayan na araw-araw naiipit ng nakagigigil na daloy ng trapiko sa EDSA.

Bigyan natin sila ng partida! Bigyan natin si Noynoy at ang kanyang mga alipores ng partida kaya isama na rin nila riyan sa EDSA ang PNP- Intelligence Group, PNP-CIDG at maging ang mga sundalo ng National Capital Region (NCR).

Dapat na rin siguro sumawsaw ang DSWD para sa mga palaboy-laboy sa naturang lugar at DOH para tingnan ang kalusugan ng mga taong naiipit sa trapiko roon upang lalo pang sumaya ang barkadahan sa EDSA.

Isama na rin siyempre ang DTI upang magtayo ng mga tindahan ng kendi at iba pang kakanin sa EDSA para sa mga mananakay at motorista habang DOJ o NBI naman para sa mga ‘kotongeros’.

Ooopss! Huwag kalimutan sa eksena ang BIR ni Kring-Kring para tugisin ang mga hindi naibayad ng buwis na mga behikulo at NFA ni Kulas para may maisaing ang taumbayan habang naiipit sa matinding trapik.

Ang mahalaga sa lahat ay ang paglalagay sa kahabaan ng EDSA ng naglalakihang karakas ng pambato ni Noynoy na may mga katagang… itutuloy, palalawakin at ipaglalaban ang tuwid na daan – trapik nga lang.

Sa dakong huli ay tiyak na sasalto ang paraan na ito ni Noynoy dahil kulang sa sapat na pag-aaral ng mga datos nang isagawa ang naturang polisiya kontra sa matinding daloy ng trapik sa EDSA.

Supot!

***
Para sa komento o suhestiyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>