NOONG tinatanong si MMDA Chair Francis Tolentino ukol sa kongkretong plano niya kung paano maibsan ang trapiko sa kalakhang Maynila, halos aminin nito na wala nang solusyon dito.
Ang kanyang pulit-ulit na pinagbubuntunan ng sisi ay ang dumaraming bilang ng sasakyan sa Metro Manila. Aminado ang lintek na Tolentino na siya o ang kanyang tanggapan ay inutil, dahil nga sa dumaraming bilang ng sasakyan.
Pero nang ipinasa ni PNoy sa PNP-HPG ang pamamahala sa trapiko sa metro Manila, kitang-kita na kaagad itong lumuwag kahit sa unang araw pa lang.
Ang matindi, parekoy, nang maramdaman na tagumpay ang HPG ay bigla na namang sumulpot sa EDSA at umepal ang hinayupak na Tolentino!
Hijo de putang kaepalan na ‘yan!
Kahit palpak na ang MMDA dahil sa pagiging inutil ng animal ay nagawa pang umepal ng lintek! Huh!
Aha, ayon sa ating “tawiwit,” kaya pala umepal itong si Tolentino ay dahil tatakbo itong senador!
King-ina! Dahil sa kapalpakan at kaepalan mong hinayupak ka, kahit Barangay Tanod ang kakandidatuhan mo ay hindi kita iboboto!
Pwe! Sige pa, Tuli, epal pa more! Hak, hak, hak!
-o0o-
SINASANAY na ng maraming Masbatenyo ang pagbigkas ng Governor Bong! Ang kanilang tinutukoy, parekoy, ay ang kasalukuyang alkalde ng San Fernando na si Narciso “Bong” Bravo, dating 3-termer Congressman ng 1st Dist. Masbate.
Ang dahilan ng mga Masbatenyo ay hindi lamang nakasandal sa pagiging Liberal Party standard bearer ni Bravo sa lalawigan ng Masbate.
Higit sa lahat, ang pagiging “project-oriented” nito at pakikitungo sa mga Masbatenyo sa pamamagitan ng “charismatic approach.”
Sa totoo lang parekoy, nagsawa na ang mga taga-Masbate sa pamumuno na idinaraan sa dahas, pananakot at panggigipit sa mga kalaban sa pulitika, na alam naman ng lahat na siyang estilo nina Dayan Lanete at Tony Kho!
Hmmm, Ibig yatang sabihin ng mga nakasuap nating Masbatenyo, na komo madali at malambing lapitan itong si Bong Bravo ay tiyak nang ito ang magiging gobernador sa darating na 2016.
Na komo nakatutok itong si Bong Bravo sa mga proyekto na magpapaangat sa buhay ng mga Masbatenyo, ay siya na ang susunod na gobernador?
Mali kayo, mga parekoy. Ikampanya muna ninyo at magkaisa kayong iboto si Bong Bravo para masabi ninyong siya na nga! Katunayan iboboto ko rin siya bilang gobernador ng Masbate. Kung gaganapin ang halalan, now na!
Ehek! BURDADO/JUN BRIONES