Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAGONG OPORTUNIDAD PARA SA PARAÑAQUE

$
0
0

BAGO ko talakayin ang pangunahing paksa ng kolum na ito ay nais ko munang batiin sina Jeffrey O. Sumaong at Allen Lavarias na ikakasal ngayong araw ng Huwebes sa Palm Plaza sa Tarlac City.

Sana ay maging matagumpay, mabunga at mapayapa ang inyong pagsasama at ang pagbati ay ipinahahatid ng inyong Ninong na si Josue Bautista.

At ngayon ay dumako na tayo sa ating paksa hinggil sa pinasok na city sisterhood agreement kamakailan ng Parañaque City sa lungsod ng Haeundae na sakop ng Metropolitan District ng Busan, South Korea.

Naniniwala si Mayor Edwin L. Olivarez na dahil sa kasunduan ay malaki ang tiyansa na madaragdagan ang mga negosyo at oportunidad para sa trabaho sa kanilang lungsod.

Ang Haeundae na tinatawag na Happy City ay isa sa pinakamabilis na umuunlad na lungsod sa South Korea, maliban pa sa kilala rin ito bilang pangunahing tourist destination dahil sa magagandang mga karagatan at mga pasyalan.

Dahil nga sa tagumpay ng kasunduan at mga potensyal na benepisyong pwede nitong idulot ay sinabi ni Olivarez na plano rin nilang magkaroon pa ng ibang katulad na sisterhood agreement sa ibang mga lungsod sa ibang mga bansa.

Layunin ng mga kasunduang tulad nito na lalo pang makilala ang Parañaque na ngayon ay kilala sa taguring Bay City, sa ibang panig ng mundo nang sa gayon ay lumawak din ang oportunidad nito para sa kalakalan at negosyo.

Dumating ang mga delegado mula sa Busan sa pangunguna ni Mayor Baek Sun Ki at naganap ang pirmahan sa sisterhood noong Biyernes.

Inaasahan nang mapalawak ang kooperasyon ng dalawang lungsod sa larangan ng ekonomiya, kultura, sports, turismo, edukasyon at marami pang iba.

Magkakaroon din ng bukas na komunikasyon ang bawat isa upang sa gayon ay higit na maging matagumpay ang kanilang mga programa at inisyatiba.

Inaasahang madaragdagan pa ang mga business locator sa lungsod na umaabot na sa mahigit na sa 20,000 na may taunang gross sales na mahigit sa P300-bilyon. OPEN LINE/BOBBY RICOHERMOSO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>