Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY TRABAHO DUMAMI, KONTRAKTUWAL MAS MARAMI

$
0
0

SA 100-milyong populasyon ng mahal kong Pinas, sinasabi ng Philippine Statistics Authority na nasa 66.6-milyon na ang kabuuang bilang ng mga Filipinong obrero.

Itinuturing ng PSA ang 15-anyos bilang simula ng pagiging obrero hanggang sa mga senior citizen.

Ang magandang balita umano ay lumiit ang bilang ng mga walang trabaho.

Kaya lang, lumobo naman ang bilang ng mga naghahanap ng karagdagang trabaho o pagkakitaan.

KAKAUNTING ISTAMBAY

Sabi ng PSA, sa 66.6M na obrero, nasa 3.5M lang ang walang trabaho o istambay.

Kaya naman, good news ang turing ng gobyerno rito.

Sa rami ba naman umano ng proyekto ng gobyerno na roon nagtatrabaho ang mga obrero at iba pa ang mga patrabaho ng mga pribadong kumpanya na higit na mas malaki ang paempleyo.

Pinalalabas ng gobyerno na sa 1.5M nalikhang trabaho sa bansa mula Enero – Hulyo 2015, nasa 400,000 ang sa gobyerno at nasa 1.1M ang sa mga pribadong kumpanya.

At mas magaganda umano ang kalagayan ng mga obrero ngayon kahit pa sa usapin ng sahod at tagal ng pagkakaroon ng trabaho.

UNDEREMPLOYED DUMAMI

Sa kabila ng pagmamamalaki ng gobyerno na dumami at gumanda ang kalagayan ng mga may trabaho, nakalulungkot namang isipin na dumami nang mas malaki ang bilang ng mga sinasabing underemployed o ‘yung gustong magkaroon ng dagdag na trabaho.

Para sa maraming overseas Filipino worker, ang ibig-sabihin ng paghahanap ng dagdag na trabaho, eh, may kitang lalabis para sa katamtamang pamumuhay para may maipupundar sila ng higit sa inaasahan.

Pero sa loob ng mahal kong Pinas, mga Bro, karaniwang ibig-sabihin nito na hirap at gutom ang binubuno ng mga obrero.

Kaya ‘yang maghanap ng dagdag na trabaho ang pinangangarap ng mga ito.

SINO-SINO BA SILA?

Sino-sino ba, mga Bro, ang mga underemployed?

May tiyak na kasagutan ang gobyerno rito.

Pero kung tatanungin mo ang mga obrero, anak ng tokwa, sila pala ang mga kontraktuwal.

Sa pakikipag-usap natin sa mga pinuno ng iba’t ibang samahan o union ng mga obrero, nakatatakot ang sinasabi nila.

Sabi nila, nasa 90 porsyento na ang biktima ng kontraktuwal.

Kung 66.6M ang obrero, paano ba kikilalanin ang mga kontraktuwal?

Pero sa rekord mismo ng PSA, lumundag sa 13.3-milyong obrero ang underemployed sa unang anim na buwan ng 2015 kumpara sa nasa 12M noong nakaraang taon.

Hindi kaya mas malaking bilang ang sinasabi ng mga lider ng mga samahan o unyon na nagsasabing nasa 90% na ang kontraktuwal at sila ang mga underemployed?

NAKATATAKOT

Sa pagsubaybay natin sa mga kontraktuwal na maya’t maya ay nawawalan ng trabaho at hirap sa paghahanap ng panibagong trabaho, nakatatakot ang kanilang kalagayan.

Una siyempre ang kakapusan ng pagkain.

Susunod dito ang problema sa pagbabayad ng inuupahang tahanan. At ang pagbabayad sa kuryente at tubig?

Naririyan din ang paghinto ng pag-aaral ng mga bata.

At sa maraming pagkakataon na ating nasasaksihan, marami ang pinalalayas sa mga inuupahan nilang mga tahanan.

Kawawa rin ang mga narerematahan ng mga hinuhulugang bahay sa Pag-IBIG.

SA MANUKAN AT BABUYAN

Sa agrikultura, nakaiiyak ang kalagayan ng mga obrero.

Kung tumatanggap lang ng P250 ang mga nasa konstruksyon sa mga malalaking proyekto ginagawa sa Metro Manila gaya ng nabubunyag kung may disgrasya, sahod naman ng katulong ang mga nasa babuyan at manukan.

Alam ba ninyong sumasahod lang ng P100 per day ang mga obrero rito?

Katumbas ng mga ito ang kita ng mga tindera ng mga damit sa maraming public market.

Magkano ang kita nila kung masasagasaan sila ng no work, no pay?

Iiyak kayo, mga Bro, kung kayo ang magiging obrero rito.

Tiyak na isusumpa ninyo ang buhay sa mahal kong Pinas.

MAG-ABROAD NA LANG

Hindi nakapagtataka na ang mangibang-bansa ang pangarap ng mga pamilyang Pinoy.

Kahit anong trabaho, gusto nilang pasukin.

Meron nga tayong narinig na ang mga kasambahay na naeempleyo sa Malaysia ay sumasahod lang ng nasa P5,000 sa isang buwan.

Pero tinatanggap na ito ng mga overseas Filipino worker kaysa maging istambay o sasahod lang ng P100 sa Pinas at naririyan pa ang sumpa ng no work, no pay at kontraktuwalisasyon.

Ang prostitusyon ay basta na lang din pinapasok ng mga Pinoy at Pinay.

Tantiya ng mga nag-aaral sa turismo at prostitusyon, kabilang na ang mga sangkot sa mga klab, massage parlor at iba pa, nasa 300,000 lahat ng nasa prostitusyon.

O Diyos, kaawaan mo kami.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES