Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAVAO CITY, EIGHTH SAFEST PLACE SA MUNDO

$
0
0

NAKATUTUWA ang balita mula sa International Monitoring Team sa lahat ng aspeto ng buhay, ekonomiya at politika kasama na ang kriminalidad.
Internasyonal o pandaigdigan ang ginagawa nilang pagsusuri, pag-aaral at imbestigasyon.

Yes po. Ang Davao City ang deklarado bilang pangwalo na pinakamapayapang lugar sa mundo. Ang kanilang lider? Eh ‘di ang astig na Mayor, si Rodrigo “Digong” Duterte.

Sa mga nagdaang buwan, linggo at araw, mainit ang usapan ng pagsuporta kay Duterte para tumakbo bilang Pangulo sa Mayo 2016. Ang kanyang tapang at katapatan ang batayan ng pag-endorso. Marami ang gusto. Siya ang kanilang iboboto.

Pero nitong nagdaan na ilang araw ay nagsalita si Digong, ayaw niyang tumakbo sa pagka-Pangulo. Simple ang dahilan niya. Wala siyang pera, ayaw ng pamilya niya.

Sa bulok na sistema ng kasalukuyang pulitika, marami ang gustong tumulong kay Duterte, lalo na sa usapin ng pinansyal.

Pero tinaggihan niya ito dahil alam niya na maniningil ang mga ito ‘pag siya ang nanalo. ‘Di niya ito masikmura.

Sayang. Kailangan siya ng bansa at mamamayan. Kailangan ang malakas at may bayag na lider. Siya iyon. Kaya niya. At alam niya na marami ang magkakainteres na pigilan siya – AT ALL COST!

Totoo rin na maraming utak-biya na tauhan ang mga pursigidong manatili sa poder ng makapangyarihang pulitika. Ginigiba si Duterte ng mga attack dogs nila bilang kriminal, mamamatay-tao, human rights violator, etsetera.

Tinatakot ng mga makakalaban sana ni Duterte ang taumbayan o mga botante. Pinalalabas siyang halimaw na lider sakaling manalo sa paparating na eleksyon.

Eh, kung sakali mang totoo na mamamatay-tao si Duterte at ang mga papatayin naman niya ay mga halimaw, korap, tiwali at mga mandarambong sa pera ng bayan – mga politiko, opisyal man o mapagsamantalang negosyante – ano ang masama roon?

Tulad niyan. Deklarado ang Davao City na isa sa pinakaligtas na lugar na kung tutuusin ay tuldok lang ito ng Pilipinas. Hindi ba nahihiya ang mga pambansang lider natin ngayon? Ikaw Noynoy, hindi ka nga ba?

Kailan lang, deklarado ang bansa sa mga bagay tulad ng pinakamarumi, pinakapangit na airport, pinakamatindi ang trapiko, pinakamaraming pinapatay na media at malala ang korapsyon. Nakatutuwa ba?

Sabagay, sabi nga ni Aquino sa mga biktima ng kalamidad, “hindi naman kayo namatay, ah”. Si Mar Roxas, “isa kang Romualdez, ang lider ay Aquino ngayon”. Si DOTC Jun Abaya, “hindi naman nakamamatay ang traffic”, at marami pang tauhan ang rehimeng Aquino na pawang sablay ang katwiran. BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>