NAMAMAYAGPAG at hindi hinuhuli ng mga kapulisan ng Region 4-A at Batangas Provincial office ang mga bookies ng STL na minamantine ng mga barangay kapitan sa kabila ng mahigpit ang kampanya laban sa iba’t ibang iligal na pasugalan ni PNP chief Gen. Ricardo Marquez.
Lantaran ang pagpapataya ng mga kubrador sa mga mananaya kahit ilang metro lang ang layo nito mula sa police station kaya animo’y ligal.
Hindi hinuhuli ang bookies ng STL nina Kap. Ado sa Bgy. Sta. Maria at Capt. Jojo sa Sto. Tomas sa Batangas.
Ibang klase rin ang bookies ng STL nitong si Kap. Noel Virtucio dahil ang mga kubrador nito ay nangungubra kahit sa loob ng San Jose Police Station.
Hindi na ginalang ang mga unipormadong kapulisan bagkus ay pinapasok nila ang mga ito sa loob ng istasyon ng pulisya.
Ang pinagtatakhan ko rito sa kapulisan ng Region 4-A ay kung bakit hindi sila kumukilos para ipal ang lumalalang operasyon ng bookies ng STL sa nasakupan niya.
Ano kaya ang dahilan at bakit hindi umaaksyon ang mga parak laban sa mga iligal na sugalan?
SAUNA PARLOR TABI-TABI SA QC
Tuloy ang prostitution sa Queens Chamber Massage Clinic sa Quezon Ave., at sa UTOPIA Massage Parlor sa Timog Ave., Quezon City.
Ibang klase ang style ng ginagawang serbisyo ng mga massage attendant sa mga massage parlor na ito dahil sa halip na magmasahe ang mga ito ay sex ang serbisyong ibinibigay sa kanilang mga kostumer.
Hindi kumikilos si QC Mayor Herbert Bautista laban sa mga massage parlor at sa halip na ang masahihin ng mga ito ay katawan ng mga kostumer ay si ’manoy’ ang minamasahe nito.
Lantaran kasi sa mga massage parlor na ‘yan ang spakol, tsupakol at totpakol.
Pagpasok n’yo pa lang sa massage parlor ay mabubungaran na n’yo ang masahista na nakabukaka sa loob ng aquarium.
Mamimili na lang kayo kung sino ang type n’yong masahista.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@ahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
