Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY KRIMINAL SA NLRC

$
0
0

MAY nadiskubreng kriminal sa National Labor Relations Commission (NLRC) ang Office of the Ombudsman.

Kaya, kamakailan ay iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na sampahan ng kasong kriminal si Commissioner Angelo Palaña sa Sandiganbayan dahil mayroong sapat na batayan ang kaso laban sa mataas na opisyal ng NLRC.

Ang kaso ni Palaña ay resulta ng panghihingi nito ng P100,000 kay Atty. Rebene Carrera noong Disyembre 2011, sapagkat kailangang-kailangan umano ng pera noong panahong iyon ng nabanggit na mataas na opisyal ng NLRC.

Si Commissioner Angelo Palaña ay kasapi ng ika-4 na Dibisyon ng NLRC kung saan 16 na kaso ng mga manggagawa laban sa mga kapitalista ang hawak ni Atty. Carrera ang nakasalang sa nasabing dibisyon.

Sa takot na matalo ang mga kaso ng mga manggagawa, napilitang magbigay si Atty. Carrera ng hininging halaga.

Ngunit sa kalaunan ay idiniin ni Atty. Carrera sa Ombudsman na sabi raw ni Palaña sa kanya na “good will money” ang P100,000.

May ebidensyang nakuha ang Office of the Ombudsman na nagsasabing P100,000 ang inihulog sa BDO Account ni Angelo Palaña noong Disyembre 21, 2011.

Ayon sa Office of the Ombudsman, hindi itinanggi ni Angelo Palaña na may idinepositong P100,000 sa kanyang pangalan sa bangko. Hindi rin niya itinanggi na sa kanya ang tinutukoy na account.

Ang kaso ni Commissioner Palaña sa Sandiganbayan ay paglabag sa Seksyon 3(e) ng Republic Act No. 3019 at Seksyon 7(d) ng Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Tinanggal din ng Office of the Ombudsman sa NLRC si Palaña dahil sa kanyang ginawa.

Tapos, hindi na siya maaaring makapagtrabaho sa pamahalaan at hindi na niya makukuha ang mga benepisyong nakalaan sa kanya matapos sana siyang magretiro sa paninilbihan sa pamahalaan sa takdang panahon.

Maganda ang ginawa ni Carrera dahil kongkretong hakbang ito upang mabawasan ang mga korap na opisyal ng pamahalaan.

Sana hindi mangingikil ang mga humahawak sa kaso nina Renato Nocos at Rossana Espiritu-Caganap sa NLRC.

Inireklamo ni Nocos si Ricky Reyes dahil sa pagsibak umano sa kanya ni Reyes sa trabaho noong nakalipas na taon.

Inireklamo naman ni Caganap ang presidente at chief executive officer ng Hyundai Asia Resources, Inc. o HARI na si Ma. Fe Agundo dahil sa pagtanggal umano nito sa kanya sa kompanya ngayong taong kasalukuyan.

XXX
Problema at reaksiyon n’yo, itawag sa: 09985650271 o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com, o bisitahin ang: NSBADILLA.BLOGSPOT.COM BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>