Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PULIS NA SUMISIRA NG IMAHE

$
0
0

MULA sa pagpapalit ng pamunuan, pilit na binabago ng Philippine National Police ang imahe nito na nagkaroon ng batik ng korapsyon at iba pang iligalidad mula sa nakaraang pamunuan.

Sa pag-upo ni Dir. Gen. Ricardo Marquez bilang PNP chief, maraming pagbabago ang kanyang ipinakilala na handang ipatupad ng kanyang mga nasasakupan sa ngalan ng pagbabago sa kanilang organisasyon.

Magandang panimula ang mga pagbabagong ipinatutupad ni Gen Marquez.

Lamang, patuloy rin namang umaani ng batikos dahil sa may ilang natural na butas pero pilit binibigyan-solusyon ng kanyang pamunuan.

Kaya naman ipinanawagan kay Gen. Marquez ang ilan pang pulis na sobrang tigas ng ulo at patuloy na tila anay na sumisira sa pangalan at imahe ng PNP.

Isang halimbawa, Gen Marquez, itong nagngangalang PO2 Rommel G. Salmo na nakatalaga sa Protection and Escort Unit ng Police Security and Protection ng PNP.

Nagsisilbi siyang banta sa isang negosyante na nagsampa ng reklamo laban sa kanyang sariling hipag na kanyang idinemanda ng kasong qualified theft.

Laging sinusundan nitong pulis na si Salmo ang negosyante gamit ang mga sasakyang pag-aari ng hipag nitong huli. Nakapiit sa San Mateo, Rizal sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology ang hipag ng nagrereklamong negosyante.

Ilang beses na ring nakita itong si PO2 Salmo na nakabantay sa babaeng sinampahan matapos itong dumalo sa pagdinig ng kaso.

Nakita ang pulis na si Salmo na sumusunod sa mga BJMP escort at sa akusado.

Hindi nakauniporme ang pulis subalit may dalang baril.

Nang sitahin siya ng mga pulis San Mateo kung bakit sumusunod siya sa akusado, ang sagot niya ay asawa siya ng akusado.

Anong sabi mo?

May asawa ang akusado at may anak paanong naging asawa mo?

Baka naman plano mo palang asawahin dahil sa magiging pakinabang mo mula sa mga ninakaw niya mula sa nagrereklamong negosyante?

Binantaan pa niya ang negosyante na iurong na ang demanda laban sa akusado kung hindi ay may masamang mangyayari rito.

Naman!

Gen. Marquez, dapat sa mga ganitong pulis ay tinatanggalan ng sungay upang ‘di na makapanuwag.

Kaya nasisira ang imahe ng PNP ay dahil hindi masawata ang mga pulis na ginagamit ang kanilang posisyon at baril sa pananakot. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>