PWEDE po ba, sa may kopya ng “Dancing With The Wolves”, bigyan si Don Benigno Aquino 3rd? Ito’y para malaman niya ang huling gulo na ginagawa niya ay masama ang kahahantungan – ng BAYAN at mamamayan!
Lalo na, ang posibleng paghahati ng Sandatahang Lakas at Pambansang Pulisya natin. Tapos na ang imbestigasyon ng Senado. Tapos na rin ang imbestigasyon ng PNP Board of Inquiry pero hindi pa natutuldukan dahil kailangan managot ang mga tao na nagpahamak sa minasaker na PNP SAF!
Tama ang sinabi ni…ng opisyal ng PNP, “Aquino is dancing with an enemy or enemies of the state.” Tama rin ang “Manipesto ng Pagtutol” na ipinalabas kamakailan ng mga retiradong heneral ng PNP at AFP.
Sumama ang loob ni Aquino? Gaano kasama ang namuo sa iyong kalooban, Mr. Commander-In-Chief? Eh papaano ‘yung namatay na PNP-SAF 44 na inutusan ninyo sa operasyon pero pinigil ninyo ang gagawin sana na pagtulong, pagsuporta at pagligtas sana sa kanila ng AFP?
Papaano ‘yung sama ng loob ng miyembro ng kanilang mga pamilya? Your pronouncement that there may be an alternative truth to the Mamasapano massacre is creating divisiveness among the ranks of AFP and PNP while “glory” to your rapporteur from your “friends” on the other side!
Tayo ay nagtataka sa pagkambyong ito ni Aquino. Sana mali ang hinala natin na panakip-butas iyon para guluhin ang TOTOONG ISYU ngayon – ang pagsabi ni Malaysian PM NAJIB RAZAK na ang nawawalang US$700-million sa kaban ng Malaysia ay IPINAMBILI NIYA NG LUPAIN SA MINDANAO?
If you are really the President of this country and its people, the FILIPINOS, Mr. Aquino, will you tell us also the truth about Najib Razak’s statement of spending that big amount of Malaysians’ money buying a big parcel of land in Mindanao?
If it’s true, who was his real estate agent? Is the land Razak bought a private or public land? How big? How much? Who processed the buy and sell? If it’s a private land that measures a hectare or two, it is okay but we have the right to know how big is the land with Razak’s $700M.
If it is a PUBLIC LAND, then the more the FILIPINOS have the right to know the truth! WHO SOLD IT?
Huwag mong guluhin ang bansa. Huwag mong pag-awayin ang institusyon ng kapayapaan. Huwag hatiin ang pwersa ng mga tagapamayapa ng bayan – AFP – PNP. MAGTAPAT KA SA TAUMBAYAN! BALETODO/ED VERZOLA
