Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PNP’S LAKBAY LIGTAS SCHEME

$
0
0

SA kasalukuyang liderato ng PNP, mapapansin ang pagsulpot ng iba’t ibang ideya na may kinalaman sa patuloy na paghahanap natin sa mailap na sagot sa ‘di masugpo-sugpong kriminalidad.

Hindi naman sana ikalaki ng ulo ni Dir. Gen. Ricardo  Marquez, pero sa totoo lang, musika sa ating tenga na aktibo ang kanyang pamunuan sa pagdiskubre ng pamamaraan para sa katahimikan.

Musmos pa nating ituring sa puwesto si Gen. Marquez dahil mahigit isang buwan pa lamang bilang PNP chief, pero nagpakilala na ito ng iba’t ibang estratehiya sa paglaban sa mga halang ang kaluluwa.

Ang latest na proyekto ng Pambansang Kapulisan na natiitiyak nating makatutulong sa giyera laban sa mga kriminal ay ang ‘Lakbay Ligtas’ scheme na ideya ni Region 4-A boss C/Supt. Richard Albano.

Ang anti-crime plan na ito ay nakatakdang ilunsad sa katapusan ng buwan (Sept. 30) sa iba’t ibang piling lugar sa nasasakupan ng R4A o  Calabarzon area (Laguna, Cavite, Batangas, Rizal at Quezon).

Tatawaging ‘Lakbay Ligtas’, ito ay proyekto ng R4A police at Petron Corporation, ayon kay S/Supt. Romeo Sapitula, Deputy Regional Director for Operations.

Sa Memorandum of Agreement, ang PNP ay magtatalaga ng mga pulis sa mga sangay ng Petron na magsisilbing patrol cops.

Samantala, ang Petron ay maglalagay naman ng collapsible kiosk na gagamiting police standby area.

Sa ganitong paraan na visible ang pulis sa kapaligiran, matatakot ang mga kriminal na magsagawa ng krimen, ayon kay Col. Sapitula.

Sa nasabing standby police area ay magsisilbi ring police assistance desk na maaaring tumanggap ng reklamo na kaagad aaksyunan ng mga pulis, paliwanag pa ng police official.

Napagkasunduan din na ang naturang police standby area ay maaaring gagamitin sa bilang drop off points para sa relief operations kapag dumating ang kalamidad.

Ito’y isang proyekto na kung magtatagumpay, tulad ng Oplan Lambat Sibat, isasagawa rin sa ibang rehiyon sa bansa.

Good move ang ideya na ito ng liderato ng R4A. Kaisa tayo sa tagumpay ng project na ito ng PNP. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>