MARAMI ang natuwang constituent ng Brgy. Dila, Bay, Laguna sa pagkaka-renovate ng kanilang palengke dahil sa haba ng panahon ay naisipan ng lokal na pamahalaan ng Bay na ipagawa ang kanilang palengkeng bayan.
Pero may problema ang mga taga-Bgy. Dila sa pagpapagawang ito.
Kung ano ito ay basahin natin ang reklamo ng isang concerned citizen ng Bay.
Good pm, Sir Johnny, mayroon lang ako o kaming mga taga-Bgy. Dila, Bay, Laguna na irereklamo sa inyo tungkol sa pagkaka-renovate ng aming palengke.
Okey po sana ang ginawa nila dahil kahit papaano sa tagal ng serbisyo ng palengke sa amin ay naka-isip ang lokal na pamahalaan na ipa-renovate ito.
Ang problema lang po ay hindi po sila naglagay ng drainage kaya po sa konting ulan lang ay baha na agad.
Grabe ang perwisyo na idinudulot nito sa aming mga tagarito dahil sa mga baha.
Inilapit na namin ito sa barangay pero hindi po sila umaksyon at hanggang ngayon ay walang nangyari.
Sana Sir Johhny sa pamamagitan ng kolum nyo ay umaksyon ang mga kinauukulan. Salamat po!
LOTTENG KING HAMON SA BAGONG DILG BOSS
Ibang klase itong operasyon ng lotteng ni Pinong dahil hindi lang sa Quezon City ang lawak ng operasyon ng lottengan nito kundi maging sa Caloocan, Marikina at Pasig at namamayagpag pa.
Walang magawa ang mga kapulisan ng bawat siyudad na sentro ng pa-lotteng ni Pinong.
Kaya tingnan natin kung kayang ipahinto ng bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government Sec. Mel Senen Sarmiento ang lotteng ni Pinong.
Ang matindi kasi rito, kaya hindi natitibag ang lottengan ni Pinong dahil sa kinukunsinti ng mga kapulisan at iba pa.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
