Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAYA NG HPG ANG TRAPIK PERO…

$
0
0

GUMANDA nang kaunti kahit papaano ang takbo ng trapiko sa EDSA.

Konting tiis pa siguro, gaganda na – sa kamay at pamamahala ng PNP Highway Patrol Group. Naniniwala tayo.

Nakapagpalakas ng loob sa HPG ang tulong at ayuda ni PNP Chief Dir. Gen. RICARDO MARQUEZ dahil pinatulong pa niya ang PNP-SAF.
Patunay lang na hindi mahalaga kung saang yunit nakatalaga ang pulis niya tulad ng SAF kundi gusto niyang malutas ang problema ng trapiko sa EDSA.

At kahit ibuhos pa ni General Marquez ang mga pulis sa EDSA, kung hindi tutulong lalo na ang mga lokal government unit, talagang hindi makakaya mag-isa ng PNP-HPG. Kaya nila sa totoo pero…LGUs?

Katulad na lang ng problema sa Baclaran, Parañaque at Pasay.

Magturo man kung sino-sino ang mga sindikato o personalidad na sangkot sa pagpapaupa sa kalsada’t mga iligal na puwesto, LGU pa rin ang dapat sisihin.

Mula sa sindikato, sa barangay, sa munisipyo o city hall hanggang sa “itaas” ay itinuturong sangkot. Oh, eh ano ngayon? Maliban lang kung mismong ang mayor ang nag-utos na PERA-PERA ang laban, iba na iyan. At sakali man na si mayor ang kapural, ano ang ginagawa ng DILG?

Walang huli kung gusto ninyo na mabago ang komunidad lokal at pambansa. Alam naman ninyo ang batas. Ang kalsada ay para sa mga sasakyan at ang sidewalk ay lakaran. Pero hayan, naghari ang mga sidewalk vendor na ang tatapang pa. Mali lalo ang katwiran nila na “kaysa magnakaw kami?”

Para sa LGUs, LTO, LTFRB at DOTC, kung gusto n’yo talagang lutasin ang malalang trapiko hindi lang sa EDSA kundi sa lahat ng lansangan, tutukan ninyo ang paghatak sa mga nakaparadang sasakyan sa lahat ng kalye dahil hindi ginawa ang mga ‘yan na parking lot.

Buwagin din ang mga terminal na lahat ng uri ng pampublikong sasakyan at maghanap sila ng bakanteng lote na pwede nilang upahan. Hindi sila mahihirap sa totoong buhay. Sa terminal pa lang, matindi na ang sugalan at inuman lalo na sa gabi.

Buwagin ang lahat na extension na ginawa sa sidewalks. Mahigpit na ipatupad ng LTO, magbantay sila sa mga lansangan, ang batas trapiko tulad ng “no loading and unloading” at mga kauri nito dahil astang siga sila kung magbaba at magsakay sa mga bawal na babaan mismo.

Marami pa ang sagabal na gawa ng tao. Sila ang nakaaabala. Iligal at bawal. Eh ‘di wasakin.

Kaya ng PNP-HPG na lutasin ang trapiko..pero kayong nasa LGUs, magtrabaho nga kayo!

Bawal ang peste! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>