Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BOBO NA BA ANG MGA FILIPINO?

$
0
0

BOBO na nga ba ang mga Filipino para paglaruan tayo ng mga politiko? Napakababa na nga ba ang ating uri para kahit kengkoy na laos ay pamunuan tayo?

Sadya ba na ang Malacañan na rati ay upuan ng mala-henyo at totoong mapaglingkod na mga lider ay puwede na ngayon kahit sino? Hindi lang ang Malacañan kundi pati sa Kongreso!

Malala na ang nangyayari sa ating pulitika. Wala na ‘yung batayan ng matatalino, mapaglingkod at, higit sa lahat, may kakayahan na mamuno hindi lang sa bayan kundi paghahatid ng mamamayan tungo sa isang progresibong buhay.

Hindi tayo nanlalait ng mga politiko pero alam natin ang kanilang mga katauhan. Kulang sa karanasan at kulang sa kaalaman ng pamumuno at serbisyo sa bayan.

Hindi sapat na ikaw ay kilala para tumakbo na agad sa mataas na posisyon. Hindi kailangan na maging “number one” sa isang sangay ng pamamahala para sugurin at angkinin ang lakas ng Malacañan.

Ang kailangan sa Malacañan, lalo na ngayon na binababoy ng mga kasalukuyang nakaupo ay maibalik ang mataas na uri at kalidad ng liderato. Ang kailangan na lider ay ‘yung bumababa sa lupa at alam ang kanyang tungkulin. Nakaakbay sa bawat tao. Nagtatanong kung ano pa ang kailangan ng mga ito.

Hindi din natin sinusukat ang kakayahan ng mga nagsabi sa atin na sila ay tatakbo bilang Pangulo at pangalawa nila. Ang mahalaga, ano ba ang nagawa nila sa kani-kanilang bayan, distrito, sa bansa para pangarapin nila ang matataas na puwesto?

Noon, ang lider sa Malacañan ay nag-iisip ng proyekto na pakikinabangan ng mga botante sa partikular at sa bayan sa kabuuan. Halimbawa na lang ang malawakang pabahay katulad ng Project 1 hanggang Proj. 8 sa Quezon City.

Pinatibay ang mga perokaril o serbisyo ng tren kaya mabilis ang takbo ng kalakalan mula sa mga lalawigan katulad ng rehiyon ng Bicol at Ilocos patungo sa gitnang lungsod ng ekonomiyang bayan.

Tiniyak nila na mabilis ang daloy ng mga produktong bayan kaya ang mga daan ay matitibay na pinakikinabangan sa 50 taon! Ganyan katibay at maski mga daluyang tubig ay busog sa transportasyon.

Ngayon, namatayan lang ng magulang Pangulo na? Namataya ng asawa sasabak na sa pangalawang pwesto. Mayroon ding matagal na sa arena ng pulitika pero mula noon hanggang ngayon, umiiyak ang mga kababayan niya sa kawalan ng naitulong at naihatid na serbisyo!

Muli, pambansang eleksyon ang ating haharapin. Sa mga nag-aalok ng liderato, may kakayanan nga ba ang mga ito? Sadya bang BOBO NA ANG MGA FILIPINO! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>