Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NASAAN ANG HUSTISYA SA DOJ?

$
0
0

NATUTULOG ba sa pansitan ang Dept. of Justice (DoJ) kaya hanggang ngayon ay wala itong desisyon sa simpleng “Petition for Review” sa pagkakawala ng mahigit kalating milyong pisong halaga ng video at DLSR camera ng Media Production Department (MPD) ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)?

Ito Ang Totoo: naunahan pa ang DoJ ng Supreme Court (SC) na nagdesisyong pagbayarin na sa halaga ng mga camera ang empleyado ng SBMA na nakapirma sa “accountability” nito kahit hindi naman siya suspek sa posibleng pagnanakaw ng naturang mga gamit.

Sablay sa tingin ng marami ang desisyon ng SC dahil may “Petition for Review” pa sa DoJ ang kaso kung saan may suspek na kinasuhan ng pagnanakaw.

Ito namang DoJ, wala pa ring desisyon sa kasong nagsimula noong 2011 pa, bagay na siguro naman, aalamin ni Sec. Leila de Lima kung bakit, para naman hindi mapanagot ang kawawang empleyado ng SBMA habang ang tunay na magnanakaw ay makaliligtas sa ginawang krimen.

Suspek sa pagnanakaw si Alma Bernadeth Z. Tabasa, ang hilaw na biyenan ni Elizabeth “Bet” Marcelo na noo’y hepe ng MPD.

Kahit hindi naman ito empleyado ng SBMA, dahil kay Marcelo, animo bahay na umano ni Tabasa at iba pang miyembro ng pamilya nito ang MPD noon.

Positibong kinilala ng saksi na si Editha R. Bangoy, janitress, ang suspek na si Tabasa na hindi lamang nakita na dala ang bag na tulad ng lalagyan ng mga camera kundi nakausap pa sa napakaagang oras na pasado alas-sais ng umaga sa gusali ng MPD.

Magugunita na noong 1998, OIC na rin ng SBMA MPD si Marcelo kung kailan may milyon pisong halagang video camera rin ng SBMA ang nawala sa gitna ng gulo sa pagpapalit ng SBMA Chairman pero walang pinanagot o hinabol ang Commission on Audit (CoA) at iba pang kinauukulan.

Pinakakaltasan na ng CoA ang maliit na sweldo ni Salvaña kaya malamang ang tatlong anak at asawa niya ay nganganga sa susunod na dalawang dekada.

Masisikmura po ba ninyo ito, Sec. De Lima? Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>