Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KONTRA GRACE, MAR, ESCUDERO

$
0
0

BIBIGYANG-DAANG muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na text messages at mga nag-email ng kanilang mga komento, reklamo at hinaing ukol sa kanilang mga employer o lugar at tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin ang kanilang mga ngalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at proteksyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa Lily’s Files column natin at wala po akong babaguhin o papalitang SALITA.

GOOD day Lily’s Files… Magagaya ang ambisyosang si Grace Poe sa napakapopular na independent presidential candidates na natalo rin noon na sina Raul Rocco at Miriam Santiago, na mas higit pa ang qualification at experience kaysa sa kanya. At kung kami sa Bicol ang tatanungin, no to Poe na isang ambisyosa at no to Escudero na isang oportunista. 908-7-7-9.

GUD morning po. Gusto ko lang pong iparating sa inyo ang lantarang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot dito sa Bgy. 170, Caloocan City. Hindi lang po ‘yan, may tupadahan din dito lalo na kapag Linggo. Maraming salamat po at mabuhay kayo. 0915-8-2-0.

GOOD PM, FPJ role model? Idolized? Good example? Oo popular siya dahil bida siya sa pilikula, pero ano ang character niya sa tunay na buhay? Lasenggo! ‘Pag lasing bumubunot ng baril, tinatarget ang tv. Barkada puro lasenggo, itanong nyo kay Susan kung hindi totoo. Isa siya sa paborito kung artista pero hindi ko siya binoto noong tumakbo siyang Pangulo. 0921-9-3-1.

GOOD day, kung talagang naniniwala ang Liberal Party na Tuwid na Daan ang kanilang tinahak noong nakalipas na 5 taon ay hindi sila dapat kabahan at kung totoong malilinis itong mga alagad ni Noynoy bakit nahihirapan silang kumuha ng ka-tandem ni Mar Roxas.
Maraming option, pwedeng, Mar-Belmonte, Mar-Herbert, Mar-Kris, Mar-Trillanes, Mar-Cayetano, Mar-Drilon at iba pa, h’wag ng pilitin yung ayaw. 0916-7-1-5-3.

GANDANG ARAW. Alam ni Escudero na madi-disqualify si Grace Poe kung sakaling ito ay mananalo kaya sinulsulan nito ang ambisyosang babae na tumakbo sa pagka-Presidente at kung susuwertihing mananalo rin siya bilang Vice President boomm. Walang kahirap-hirap, Presidente na ang madaldal na senador na wala namang ginawa kundi ang dumakdak nang dumakdak. 919-1-2-3-.

***
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suggestions at komento, mag-text lang po sa 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>