Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WISH KO LANG KINA BINAY, ROXAS, POE & AQUINO

$
0
0

ANG wish ko lang sa mga politician: Sana ay walang kasinungalingan sa election na ito.

May mga nagsasabing si Jejomar Binay ay corrupt.

Sana ay hindi totoo ito.

May nagsasabing si Noynoy Aquino ay hindi corrupt ngunit marami sa kanyang official family ay corrupt.

Sana ay hindi rin ito totoo.

Kapag kinunsinti mo raw ang isang corrupt ay corrupt ka rin.

Isama mo raw sa isang basket ng mga bulok na kamatis ang isang hindi bulok na kamatis ay mabubulok din.

Sana ay hindi totoo ang kasabihang ito.

Si Mar Roxas ay malinis ngunit may nagsasabi rin naman na laganap ang corruption sa Department of Transportation and Communications (DOTC) noong siya pa ang namumuno sa ahensiyang ito.

Wish ko lang na walang basehan ang bintang na ito.

Si Grace Poe ay malinis din ngunit nag-asal trapo (traditional politician) raw nang kampihan ang Iglesia ni Cristo (INC) sa sigalot sa bintang ng isang miyembro ng INC na siya ay na-detain daw ng pamunuan ng sektang ito.

Si Binay, Poe at Roxas ay pro-Aquino raw kaya ni isa raw sa kanila ay makaaasang hindi nila kakasuhan si Noynoy matapos ang kanyang term as president.

Hindi ko alam kung may katotohanan sa bintang na ito.

Hindi rin ako sigurado kung napaikutan ang agrarian reform law na dinesisyunan ng Supreme Court na iniuutos na ibigay na ang mga lupa sa agrarian reform beneficiaries ng Hacienda Luisita sa lalawigan ng Tarlac.

Naikutan ba ang batas na ito nang magkaroon ng lease agreement ang mga magsasaka at mga kapanalig ni Noynoy na isa sa kanyang kaibigan ay si Virginia Torres, ang kotrobersiyal na Land Transportion Office (LTO) ex-official?

Sana ay walang katotohanan sa mga paratang na ito.

Sana ay maniwala kayo na ang susunod na Pangulo ng ating bansa, si Binay man, o si Poe o si Roxas, ay hindi magiging isang clone ng kung sinoman sa pagpaparusa sa mga sangkot sa katakot-takot na katiwalian sa ating bayan. DEEP FRIED/ RAUL VALINO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>